Problema Sa Siko – Bakit Sumasakit Kapag Binabaluktot

Ang siko ay madalas na hindi masyadong napapansin dahil ito ay simpleng kasu-kasuan lamang, Ngunit may mga tao na nakakaranas ng masakit na siko na posibleng magdulot ng kahirapan sa pagtatrabaho at paggalaw. Kung ikaw ay may pananakit sa bahaging ito, dapat mong alamin ang dahilan.

Ano Ba Ang Sintomas?

May mga taong nagkakaroon ng pananakit sa siko. Ito ay nararamdaman base sa kanilang galaw. Halimbawa ng mga karaniwang sintomas ay:

  • Masakit kapag binabaluktot ang siko
  • May parang bukol sa loob
  • Tumutunog at masakit
  • Matigas ang siko
  • Parang may tumutusok tusok
  • Hindi maitupi ang siko

Bakit Ito Nangyayari?

Ang pagkakaroon na kasu-kasuan sa anumang bahagi ng katawan ay posibleng magpahirap sa iyong araw. Ilan sa mga dahilan ay ang sumusunod:

Arthritis – ito ay sakit sa mga joints dahil sa sobrang dami ng uric acid sa dugo. May mga crystals ng uric acid ang pwedeng mapondo sa iyong siko kaya ito sumasakit.

Injury o pilay – kapag ang siko ay tumaa sa isang matigas na bagay, pwede itong mgaing sanhi ng pagsakit.

Paano Ito Gagamutin?

Pain Reliever

Ang simpleng pag-inom ng pain reliever ya makakatulong upang mabawasan ang sakit sa siko. Ngunit dapat mong ingatan ang pag-inom dahil may mga taong allergic sa nilalaman ng ilang pain reliever.

Exercise

Kapag ikaw ay nag-ehersisyo at stretching, maaaring makatulong ito upang manumbalik ang tamang posisyon ng siko. Importante ang stretching o pag-uunat dahil ito ay nakakatulong para maging maayos ang daloy ng dugo sa mga kasu-kasuan.

Therapy

Kung ikaw ay magpapakonsulta sa isang doktor, maaari siyang magbigay ng instruction kung anong physical therpay program ang bagay sa iyong kalagayan.

Anong Klase ng Doktor Ang Dapat Tanungin

Ang mga may kinalaman sa buto, litid at kalamnan ay pwedeng ikonsulta sa isang orthopedic surgeon. Maaari siyang magrekomenda ng mga dapat gawin na therapy upang mawala ang sakit sa iyong siko.



Last Updated on August 5, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Problema Sa Siko – Bakit Sumasakit Kapag Binabaluktot