May naranasan ka bang parang electrical sa iyong balat? Ito ay karaniwang nangyayari kapag may static energy ka sa katawan. Ang pagkakaroon ng madalas na kuryente sa balat kapag nadidikit sa ibang tao ay dapat ring imbestigahan.
Bakit Ako May Kuryente Sa Balat?
Ang kuryente sa katawan ay natural na naiipon kapag may charges na dumidikit sayo. Ito ay maaaring dahil sa nakaskas ng tela ng damit, sa mga bagay na may electric charges at iba pa.
Ano Ang Sintomas?
Pagkakaroon ng kuryente sa balat kapag nadikit sa iba
May spark nf kuryente sa katawan at balat
Nagugulat sa kuryente sa kamay
Biglang may ground sa balat kapag nadikit sa bakal o damit
Delikado Ba Ang Kuryente sa Katawan?
Ito ay hindi naman delikado ngunit nakakagulat. Kung ikaw ay madalas makaranas nito, umiwas sa mga bagay na pwedeng pagmulan gaya ng madulas na tela, mga metal na bagay at iba pang electric charged materials.
Masakit Ba Ang Kuryente Sa Balat o Static Charge?
Nakakagulat ito at may mararamdaman kang parang tinusok na balat. Hindi naman ito nakakapaso o nakakasugat ng balat.
Ano Ang Sakit Kapag Laging May Kuryente sa Balat?
Ang pagkakaroon ng kakulangan sa electrolyte ay posibleng isang sanhi nito. Mahalaga na may balanse kang electrolytes sa katawan upang magkaroon ito ng tamang functions.
Ano Ang Dapat Gawin?
Ang ganitong mga pangyayari ay normal lamang. Kung ikaw ay nababahala o may ibang sintomas, kumonsulta sa isang doctor.