May mga pimple ka ba sa anit at ulo? Ang mga ito ay posibleng maimpeksyon at mairita. Kung may mga butlig sa ulo, kailangan mo itong magamot upang hindi mauwi sa mga sugat. Maraming dahilan kung bakit meron nito ang isang tao. Ang importante ay malaman ang tamang lunas upang hindi kumalat at lumala.
Dahilan ng Butlig sa Anit ng Ulo
Ang anit ay katulad rin ng ating balat. May maliliit na butas ang mga ito. Ngunit mas mahaba at madami ang buhok na tumutubo rito. Sa ganitong kadahilanan, maaari rin ito magkaroon ng parang mga pimples o butlig. Ito ay dahil sa pagbabara ng mga pores at infection sa anit na siyang nagiging dahilan kung bakit ito nagkakaroon ng sugat at nana.
Kung ikaw ay may balakubak, malaki rin ang chance na ito ay makaimpluwensiya sa pagkakaroon ng pimple sa iyong ulo. Ito ay dahil nagkakaroon ng bara and mga hair follicles na siyang namamaga.
Ano Ang Madalas Na Sintomas?
- May mga maliliit na butlig sa iababaw ng ulo
- May nalalagas na parte ng buhok
- May parang peklat sa anit
- Nakaumbok na bahagi na parang pimples
- Mahapdi at dumudugo kapag nakamot
Paano Ito Magagamot
Madalas na hindi na ito kailangan gamutin dahil kusa itong nawawala at gumagaling. Ngunit sa mga tao na sobra ang dami nito o kaya naman ay pabalik-balik, mahalagang ikaw ay kumonsulta na sa isang doktor para masuri at magamot.
Ano Ang Dapat Gawin
- Palaging panatilihing malinis ang anit at buhok
- Gumamit ng anti-dandruff shampoo kung kailangan
- Importante na maging malinis sa katawan
- Huwag magbilad sa araw dahil nakakasira ito ng buhok at balat
- Iwasan magkaroon ng dumi ang anit mula sa alikabok at polusyon
Mga Hindi Dapat Gawin
Ang pagkakaroon ng pimple sa bahagi na ito ay hindi dapat balewalain.
- Huwag titirisin
- Huwag kakamutin dahil maaari itong masugatan
- Iwasan gumamit ng matapang na shampoo o conditioner
- Kung kailangang gumamit ng gel, pomade o wax, iwasan malagyan ito
Nakakahawa ba ito?
Madalas ay hindi naman ito nakakahawa. Kung ito ay simpleng folliculitis lamang, kusa rin itong gagaling kung hindi magkakasugat.
Ano Ang Doktor Na Dapat Tanungin?
Ang isang dermatologist ay eksperto sa balat, buhok, kuko at anit. Pwede kang makahanap ng magaling na doktor sa iyong paboritong ospital.