Parang Sapot Na Lumulutang Sa Mata at Paningin Ano Ito?

May nakikita ka bang parang sapot na lumulutang sa paningin ng iyong mata? Ito ay parang hugis bacteria pero minsan, para maninipis na sapot o sinulid. Pwedeng ito ay dahil sa normal na functioning ng mata ngunit  pwede ring dahil sa ilang karamdaman sa paningin.

Mga Senyales

Ano ang karaniwang sintomas nito? Madalas pwede kang makakita nito kapag nakatingin sa maliwanag o maputi ng background. Ito ay nakikita na lumulutang.

  • Parang may mga lumulutang na sinulid o sapot sa mata
  • Nakakakita ng lumulutang na sapot sa mata
  • Palutang lutang na maliit na hayop sa paningin
  • Parang mga bacteria sa mata
  • Nakikita ang transparent na lumulutang sa paningin

Paano Ito Ginagamot

May mga drops sa mata na binibigay ng mga doktor para mabawasan man lang ang mga lu mulutang lutang sa paningin. Ito ay dapat na ireseta ng iang doktor upang siguradong maging mabisa ang klase ng gamot na ito.

Ano Ang Doktor Para Sa Mata

Ang isang ophthalmologist ang doktor na pwedeng tumingin ng mga problema sa mata. Siya ang pwedeng magbigay ng tests para malaman kung may problema ka sa iyong mata. Minsan, ang mga lumulutang sa paningin ay panandalian lamang at hindi dahil sa isang malalang sakit.

Mabubulag Ba Ako?

Nakakabulag ba ang mga nakikita na lumulutang sa paningin? Ito ay maaaring temporary lamang. Ngunit may mga palatandaan na dapat mo nang pumunta sa isang doktor kung maranasan ang mga sintomas na ito.

Ilan sa mga ito ay biglaan madilim na paningin, parang may kurtina na itim sa gilid ng mata o kaya naman ay pagkahilo at pagsusuka dahil sa mata.



Last Updated on July 9, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Parang Sapot Na Lumulutang Sa Mata at Paningin Ano Ito?