Masakit ba ang ulo mo? Kung ito ay masyadong matindi at may iba pang sintomas, importante na pumunta agad sa emergency room upang masuri. Sa isang banda, ang mga headache o mild na sakit ng ulo ay pwedeng malunasan. Ayon sa Medline, importante na madala sa ospital ang sinumang may sintomas ng stroke o kaya problema sa blood pressure.
Mga Sintomas ng Pumipintig Na Headache
May ilang pagkakataon na ang iyong sakit ng ulo ay makakaranas ng alinman sa mga ito:
Masakit na ulo na parang sasabog
Matinding sakit ng buong ulo
Sobrang sakit ng ulo na parang puputok ang mga ugat
Masakit na ulo maghapon kahit uminom ng gamot
Ano Ang Mga Sakit na Dahilan Nito?
Ang pananakit ng ulo ay pwedeng mangyari dahil sa migraine, cluster headache o kaya tension headaches. Ito ay iba’t ibang uri ng sakit ng ulo na pwedeng may mga dahilan. Ang ilan sa posibleng sanhi ay:
Muscle tension
Stress
Nabilad sa araw
Hormone imbalance
May ilang pananakit ng ulo na pwedeng dahil sa stroke. Ang mga sintomas na dapat bantayan ay pamamanhid o pagkawala ng pakiramdam sa kamay, paa o mukha. Pagkahilo at pagtabingi ng isang parte ng mukha.
Ang pagkakaroon naman ng tumor sa utak o brain cancer ay pwede ring magdulot ng masakit na ulo. Ilan sa posibleng sintomas nito ay masakit ang ulo kapag umuubo, pamamanhid ng mga bahagi ng katawan o pagkalito.
Ano Ang Mabisang Gamot sa Pumipintig Na Sakit ng Ulo
Ang paggamit ng pain reliever para sa headache ay pwedeng makatulong. Ito ay nakakalunas sa mga karaniwang pagsakit. Ngunit kung ang iyong sintomas ay hindi nawawala makalipas ng ilang oras o araw, magpakonsulta agad sa doctor.
Ano Ang Doctor Para sa Sakit ng Ulo
Ang isang family medicine ay pwedeng konsultahin. Kung ito naman ay may kinalaman sa ugat at utak, pwede ito sa neurologist.
Mga Pagkain Para Sa Sakit ng Ulo
Ang mga pagkain ay magbibigay ng sustansya para maging malakas ang resistensya. May ilang substances na pwede makaginhawa ng sakit ng ulo gaya ng caffein na makukuha sa kape, chocolates, tsaa at cola drinks.