May kakaiba ka bang nararamdaman na parang nadudumi? Kung ikaw ay pupunta sa CR, halos wala naman lumalabas. Ang pakiramdam na parang laging natatae ay may sanhi. Alamin ang posibleng dahilan nito para sa iyong kalusugan.
Dahilan Ng Parang Laging Natatae
Isa sa posibleng dahilan nito ay constipation. Ang hindi normal na magdumi o pagtae ay pwedeng madulot ng ganitong pakiramdam. Sa ilang pagkakataon, pwedeng ito rin ay dahil sa balisawsaw. Sa mga lalaki, pwedeng prostatitis ang maging dahilan nito.
Gamot Sa Palaging Natatae ang Pakiramdam
Ang pagkain ng high fiber foods ay makakatulong. Ito ay magpapabuti ng iyong digestive system. Pwede ring gumamit ng ilang supplements para sa healthy digestion.
See: Klase ng Doctor
Ugaliin kumain ng prutas at gulay. Importante rin na uminom ng sapat na tubig. Kung may ibang nararamdaman, dapat itong ikonsulta sa isang doctor. Maaaring ito ay dahil sa isang sakit.
Sintomas
Parang natatae pero walang lumalabas
Pakiramdam na natatae pero puro utot at hangin lang
Kakatapos lang tumae pero nadudumi ulit
Hidni mailabas ang dumi kahit masakit na ang tiyan
Doctor Para sa Parang Natatae Palagi
Ang isang gastroenterologist ay isang doctor para sa digestive system. Sabihin sa iyong doctor ang lahat ng sintomas upang malaman kung ano ang dahilan. Importante na ikaw ay sumunod sa mga payo ng propesyunal.