Napansin mo na na tila naninilaw ang mata mo? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari at importante na malaman mo ang posibleng sanhi o sakit na pinagmulan nito. Ano ang dahilan ng paninilaw ng mata sa puting bahagi?
Ano Ang Sintomas Nito?
Ilan sa posibleng sintomas nito ay:
Naninilaw yung puti na parte ng mata
May paninilaw ang mata pero hindi malabo ang paningin
Ligh yellow ang mata
Posibleng Dahilan at Sakit
May mga sakit sa organs na pwedeng magdulot ng dilaw na mata. Ito ay madalas may kinalaman sa:
Gall bladder o pantog
Atay o liver
Lapay o Pancreas
Ang paninilaw ng mga mata ay tinatawag na jaundice ay ito ay nangyayari kapag masyadong mataas ang iyong bilirubin na dumadaloy sa dugo na siyang umaabot sa puti ng mga mata.
Ano Ang Sakit Ko?
Importante na ikaw ay magpatest ng iyong lapay, atay o gall bladder. Ngunit ito ay dapat na makita ng isang doctor para mabigyan ka ng request kung ano ang test na kailangan. Ang ilang tao na may problema sa mga organs na nabanggit ay pwedeng may liver damage, cancer, problema sa dugo at iba pa.
Isa sa mga dahilan ng paninilaw ng mata ay Hepatitis. Kung ikaw ay may iba pang sintomas gaya ng pagsusuka, lagnat at pagsakit ng tiyan, pumunta agad sa isang espesyalista para masuri.
Ang paninilaw ng mata ay pwede ring dahil sa eye strain. Kapag masyado nang pagod ang mata at ikaw ay stressed, pwede itong magbigay ng light yellow na mata.
Ano Ang Doctor Para Sa Paninilaw ng Mata
Bagamat ang mata ang apektado, ito ay may kinalaman din sa digestive system. Pwede kang kumonsulta sa isang gastroenterologist kung sa tingin mo ito ay may kinalaman sa mga organ na nabanggit.
Herbal Medicine sa Yellow na Mata
Ang paginom ng kahit anong herbal o gamot ay dapat ikonsulta sa isang doktor. Ito ay para masigurong safe ang iyong gagamitin at makakatulong sa iyong problema sa mata.
Source: Healthline