Parang Naduduling at Nahihilo Na Paningin Mga Sanhi

May nararanasan ka bang parang naduduling? Ang iyong paningin ay maaaring magdulot ng ganitong pakiramdam. Ngunit kung ikaw ay may ibang sintomas, dapat na ito ay ikonsulta sa isang doktor. Ang pagkahilo ay maaaring dulot ng maraming sanhi. Dapat mong bantayan ang iyong kalusugan kung ito ay madalas mangyari.

Ano Ang Mga Sintomas ng Pagkaduling?

Ang pagkaduling na sensasyon ay maaaring dahil sa pagkahilo. Ngunit may ilang sakit sa mata na pwede ring magdulot nito. Ang ilan sa mga posibleng sintomas ay:

  • Naduduling na paningin kapag malapit ang tingin
  • Parang nahihilo at gumagalaw ang paligid
  • Umiikot ang paningin sa paligid
  • Naduduling ang tingin sa malayo

Bakit Ito Nangyayari?

Ano ang sanhi ng parang naduduling na paningin?

Ito ay posibleng may kinalaman sa iyong hilo. Kapag sumasakit ang iyong ulo, pwede ka makaranas ng pagkaduling. Ang pagkakaroon ng vertigo ay pwede rin magdulot ng ganitong pakiramdam. Nakakaduling ang paningin na parang umiikot ang paligid kapag may vertigo ang isang tao.

Minsan, ito ay dahil sa pagkawala ng balanse ng katawan dulot ng impeksyon sa tenga. Pwede rin ito mangyari kung ikaw ay may problema sa nerves o sa utak. Halimbawa, maaaring maduling ang isang tao kung may tumor sa utak. Ngunit hindi mo dapat ito ipagwalang bahala at tanging doktor lamang ang pwedeng magsabi kung ito nga ay dahil sa isang tumor.

Ang pagkagutom, pagkakaroon ng sakit ng ulo, mataas na lagnat at maging dehydration ay pwedeng magdulot ng parang naduduling na paningin. Dapat mong ipakonsulta ito sa isang doktor kung madalas ito mangyari.

Iba Pang Dapat Bantayan

Dapat kang maging observant sa iba pang sintomas na may kinalaman sa pagkaduling dahil maaaring ito ay isang malalang sakit. Pumunta agad sa isang doktor kung may mga sumusunod:

  • Masakit ang ulo
  • Nahihilo
  • Hindi makatayo
  • Hindi makabalanse ng katawan
  • Panlalabo ng paningin

Ano Ang Doktor Para Sa Pagkaduling

Kung ito ay may kinalaman sa iyong mata, ang isang ophthalmologist ang pwedeng tumingin ng iyong sintomas. Ngunit kung ito ay may kinalaman sa iyong ulo at utak, maaaring magpakonsulta sa isang neurologist.



Last Updated on July 18, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Parang Naduduling at Nahihilo Na Paningin Mga Sanhi