Parang Nabugbog Na Masel – Bakit Bugbog Na Muscles Ang Pakiramdam Ko?

Masakit ba ang iyong kalamnan? May mga pagkakataon na pwede itong manakit kahit na walan namang nangyaring injury. Sa mga kalalakihan, ito ay pwedeng mangyari dahil mas malaki ang muscles na covered ng kanilang katawan. Ano nga ba ang sanhi ng ganitong sintomas?

Sintomas Na Dapat Bantayan

Ang isang tao ay pwedeng magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:

  • Masakit na muscles na parang nabugbog
  • Masakit na masel kapag hinahawakan
  • Nananakit na muscles sa hita, binti, braso at likod

Dahilan ng Parang Nabugbog na Muscles

Isa sa posibleng dahilan ng parang binugbog na masel ay pagod. Kung ikaw ay nagtrabaho ng pisikal ng mga nakaraang araw, ito ay posibleng sumakit. Halimbawa, ang mga taong nagbugat ng barbell sa gym ay makakaranas ng parang sinuntok na muscle pain.

Isa sa posibleng pang dahilan at infection. May mga virus na nagdudulot ng pananakit ng muscles at iba pang bahagi ng katawan. Halimbawa ng mga ito ay dengue, flu o trangkaso o kaya naman bacterial infections.

Mga Posibleng Sakit

Ang posibleng sakit kapag may masakit na masel na parang binugbog? Tingnan ang mga sumusunod at i-click ang mga posibleng sakit.

Muscle Cramps

Muscle Pain Trangkaso o Flu

Dengue

Importante na ikaw ay magpasuri sa isang doctor upang malaman ang tunay na dahilan ng parang binugbog na muscles. Ito ay posibleng physical injury at posible ring infections o iba pang sakit.

Ano Ang Doctor Para sa Muscle na Nabugbog ang Pakiramdam?

Ang isang general medicine o family medicine na doctor ay makakatulong sa iyong problema. Kung sa tingin mo ito ay may kaugnayan sa buto, nerves at iba pa, pwede kang pumunta sa isang orthopedic surgeon o neurologist.

Gamot Para Sa Nabugbog na Muscle

Kung ito ay pakiramdam lamang at hindi dahil sa isang physical injury, may mga pain reliever na pwedeng magamit. Itanong ito sa iyong doctor o pharmacist kung ano ang makakatulong sa iyong sintomas.

Sa mga may lagnat at infection, importante na ito ay ikonsulta sa isang doctor. May mga antibiotic na binibigay kung infection ay dahil sa bacteria. Ang mga virus naman ay karaniwang walang gamot ay hinahayaan ang katawan na labanan ito. Halimbawa ay tigdas o measles o kaya naman chicken pox.

Kung ang iyong sintomas ay dahil sa aktwal na bugbog o natamaan ng matigas na bagay, ang ilan sa mga posibleng lunas ay pahinga, massage, hilot o kaya naman ay creams na pinapahid.



Last Updated on January 16, 2020 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Parang Nabugbog Na Masel – Bakit Bugbog Na Muscles Ang Pakiramdam Ko?