Parang May Tumutusok Sa Lalamunan – Ano Ito?

May masakit ba sa lalamunan mo kapag lumulunok? Kung ito ay nangyayari sayo, importante na malaman mo kung ano ang dahilan. May ilang pakiramdam na parang tumutusok ang dahil sa isang sakit. Alamin kung ano ang ibig sabihin ng ganitong sintomas.

Mga Posibleng Sakit ng may Tumutusok sa Lalamunan

  • Hyperacidity o Acid Reflux
  • Tonsillitis
  • Sore throat
  • Pharyngitis
  • Throat Cancer

Alamin kung ano ang sakit mo. Importante na ito ay madiagnose nang tama.

Sintomas na Tumutusok sa Lalamunan

Ilan sa mga posibleng maramdaman na sintomas ay:

  • Parang may nakatusok sa loob ng lalamunan
  • Masakit ang lalamunan kapag lumulunok ng laway, tubig o pagkain
  • Mahapdi ang throat
  • Parang may nakabara sa loon ng leeg



Mga Dahilan ng Tumutusok sa Lalamunan

Maliban sa mga sakit, may ilang sanhi ng masakit na lalamunan. Isa rito ay ang pagbabara ng pagkain na hindi naalis. Kung may problema ka sa paglunok, maaarin ito ay food morsel na hindi pa naaalis. Halimbawa, tinik ng isda.

Isa pang pwedeng dahilan ng ganitong sintomas ay ang pagkakaroon ng sugat sa lalamunan o throat. Ang nasugatan na bahagi ng leeg sa loob ay pwedeng magdulot ng mahapding pakiramdam kapag lumulunok.

Klase ng Doktor Para sa Lalamunan na may Tumutusok

May ilang doktor na pwede mong konsultahin para malaman kung ano ang dahilan ng iyong sintomas. Ang isang ENT doctor ay pwedeng sumuri sa iyong lalamunan.

Kung may mga sintomas ka pa na kasabay gaya ng pananakit ng tiyan, pwede kang pumunta sa isang gastroenterologist. Ang family medicine doctor ang unang susuri sayo kung hindi ka pa sigurado kung anong bahagi ng iyong katawan ang may problema.

Mga Gamot Para sa Tumutusok sa Lalamunan

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor bago gumamit o uminom ng kahit anong gamot. Ang impeksyon sa throat ay ginagamot ng antibiotics na dapat may reseta ng doktor.

Kung ang dahilan ay sore throat, may ilang home remedies na pwede mong subukan.

Magmumog ng maligamgam na tubig na may kasamang asin o suka. Ito ay makakatulong para mabawasan ang pananakit o kaya maging pamatay ng bacteria.



Last Updated on August 26, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Parang May Tumutusok Sa Lalamunan – Ano Ito?