Parang May Gumagapang Sa Balat – Ano Ang Sanhi?

May nararamdaman ka bang parang mga gumagapang sa balat mo? Ito ay pwedeng mangyari sa iba ibang bahagi ng katawan. Kung ito ay madalas mangyari, dapat mong alamin kung ano ang dahilan nito.

Ano Ang Karaniwang Sintomas? Ang pagkakaroon ng mga sintomas gaya ng nakalista ay pwedeng may relasyon sa iyong nararamdaman:

Parang may mga insekto na gumagapang sa balat

Parang may langgam sa balat ng paa, hita, braso, kamay, tiyan, likod at mukha o pisngi

May kinikilabutan na parte ng katawan at balat

Gumagapang na insekto sa balat pero wala naman

Ano Ang Dahila Nito?

Sa mga taong may ganitong sintomas, importante na ito ay malaman agad base sa mga nararamdaman at clinical results. Ilan sa mga posibleng sanhi nito ay:

Stress

Panic Attacks at Anxiety Attacks

Damage sa Nerves

Kakulangan sa vitamins at minerals

Tumor

Stroke

Diabetes

Sobrang pagod

May Gamot Ba

Ang gamot sa mga gumagapang sa balat ay depende sa sanhi nito. Madalas kung ang nerves ang may damage, ito ay pwedeng malunasan ng therapy at tamang nutrisyon at gamot. Ngunit dapat kang kumonsulta muna sa isang doktor bago ito tuluyang mawala.

Ano Ang Klase ng Doktor Para Dito?

Ang isang neurologist ay pwedeng makatulong sa iyong nararamdaman. Ngunit kung ito ay biglaan, pumunta agad sa emergency room lalo na kapag may iba pang kasamang sintomas gaya ng pananakit ng ulo, panghihina, pagkawala ng pakiramdam sa balat, parang mainit na balat at napapaso, nawala ang lakas ng muscles.

Ito ba ay Skin Cancer? O HIV at AIDS? Ang taning makakasagot lamang nito ay ang isang doktor. Matapos ka suriin, pwede kang pagawan ng ilang tests para malaman agad kung ano ang sanhi.



Last Updated on August 9, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Parang May Gumagapang Sa Balat – Ano Ang Sanhi?