Parang Laging May Plema at Dahak – Ano Ang Sanhi At Lunas?

Parang laging may plema sa lalamunan? Kung ikaw ay palaging nasasamid o dumadahak, kailangan mong malaman kung ano ang dahilan nito. Sa isang banda, ang pagkakaroon ng parang plema ay posibleng dahil sa isang sakit.

Ano Ang Dahilan ng Plema?

Ang plema ay isang reaksyon ng katawan kung saan ang lalamunan ay naiirita. Kapag ito ay nangyari, ang iyong lalamunan ay gumagawa ng paraan upang maibsan ang tinatawag na foreign bodies at pamamaga dahil sa impeksyon.

Ngunit may ilang dahilan kung bakit nangyayari ang parang may plema palagi. Ilan sa mga ito ay:

  • Pagkakaroon ng ubo – ang ubo ay nagbibigay ng plema kapag namamaga ang lalamunan mula sa baga.
  • Pagkakaroon ng tonsillitis – ang namamagang tonsils ay posibleng kumalat sa lalamunan at magbigay ng plema.
  • Acid reflux o hyperacidity – maaaring tumaas ang acid mula sa sikmura na magpapairita sa iyong lalamunan.
  • Minsan, maaari kang magkaroon ng plema matapos kumain lalo na kung ito ay maanghang o may caffeine. Normal lamang na reaksyon ito ng katawan.

Ano Ang Lunas

Ang gamot sa ganitong sintomas ay depende sa sanhi. Kung ang dahilan ay ubo at impeksyon, may mga gamot na pwedeng mabili sa mga botika. Sa isang banda, ang mga impeksyon ay ginagamot gamit ang antibiotics. Ngunit dapat mong tandaan na hindi ka dapat uminom nito kung walang reseta ng isang doktor.

Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Iwasan muna ang mga pagkain na may caffeine gaya ng kape, tsaa, chocolate at softdrinks. Dapat ding iwasan ang maanghang na mga pagkain hangga’t maaari.

May Lagnat at Masakit Lumunok

Kung ikaw ay may ganitong sintomas maliban sa plema, importante na ikaw ay magpacheck up sa doktor dahil maaaring ito ay senyales ng infection sa lalamunan o baga.

Plema na May Dugo

Ang sobrang pag ubo ay nagdudulot ng maliit na sugat sa lalamunan. Importante na ikaw ay magbantay muna sa iyong mga sintomas upang malaman kung ikaw ay may sakit. Pumunta agad sa ospital kung meron kang dugo sa plema, lagnat, sakit sa lalamunan at panghihina.



Last Updated on February 28, 2018 by admin

Home / Problema Sa Lalamunan / Parang Laging May Plema at Dahak – Ano Ang Sanhi At Lunas?