Parang Kuryente na Sakit sa Ulo, Delikado ba?

Minsan, ang sakit sa ulo ay may iba ibang sintomas. May ilan na parang gumuguhit sa sakit, parang nabibiyak na sakit o kaya naman lumalala habang lumilipas ang mga oras. Kung ikaw ay may nararamdamang parang kuryente sa loob ng ulo, important na malaman ang dahilan nito.

Karaniwang sintomas ng ganitong sakit ng ulo ay:

Masakit ang buong ulo na parang may kuryente

Gumuguhit na sakit sa ulo mula harap hanggang likod

Hindi makakilos ng ulo dahil sumasakit

Masakait ang ulo kapag nakatagilid

Parang kuryente na dumadaan sa ulo

May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Madalas, ang pagkakaroon ng sakit sa ulo ay dahil sa cluster headache, tension headache o kaya migraine. May ilang pagkakataon na ang sakit ay dahil sa isang tumor o kaya naman ay stroke.

Mga Sintomas ng Stroke

Tension Headache

Migraine

Cluster Headache

Paano Ito Gamutin?

Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor para malaman ang tunay na dahila ng parang kuryente sa loob ng ulo.

May mga kondisyon na pwedeng magamot gamit ang pain reliever. Ngunit kung ang dahilan ay tumor sa utak, stroke o iba pang disease sa nerves at brain, importante na ito ay makita ng doktor para makapag bigay ng lunas.

Ito ba ay senyales ng brain cancer? Ang cancer sa utak ay nagdudulot ng iba’t ibang sintomas. May mga pagkakataon na ang matinding sakit sa ulo ang siyang sintomas ng cancer. Kung ikaw ay nababahala at may ilan pang sintomas sa katawan, gaya ng pagkawala ng balanse, pagkahilo, pagsusuka, pag-ikot ng paningin, pagkawala ng malay at mga sensations sa iyong katawan, pumunta agad sa emergency room.



Last Updated on August 5, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Parang Kuryente na Sakit sa Ulo, Delikado ba?