May nararamdaman ka bang parang kinikilabutan sa bumbunan? Kung ang iyong ulo ay nakakaranas ng mga ganitong sensation, importante na ikaw ay magpatingin sa isang doktor.
Posibleng Dahilan
Ang sanhi ng ganitong sintomas ay pwedeng may kinalaman sa nerves. Ilan sa mga posibleng dahilan ay stress at anxiety, stroke at TMJ disorder sa panga. May ilang kondisyon din gaya ng brain tumor at diabetes na pwedeng magdulot ng kinikilabutan na ulo at anit.
- Anxiety at stress – mga palatandaan ng stress
- Stroke – Ito ay isang Emergency kaya dapat na malaman ang mga senyales ng stroke habang maaga.
- Side effects – May ilang gamot na pwedeng magdulot ng ganitong sintomas. Alamin kung ikaw ay may allergy sa ilang gamot.
- Stress – Ang stress ay pwedeng magdulot ng iba ibang sintomas. Kumonsulta sa isang doktor kung ikaw ay palaging stressed out at may mga nararanasan na mga sintomas.
- TMJ – Kung ikaw naman ay may problema sa panga o dental alignment, pwedeng naiipit ang TMJ nerve sa iyong jaw joint. Ito ay pwedeng magdulot ng pamamanhid o kinikilabutan na pakiramdam sa isang bahagi ng ulo. Importante na magpatingin sa isang dentista kung ito ang problema mo.
Sintomas
Ano ang nararamdaman? May ilang sintomas sa ulo na pwedeng makaranans ng mga sumusunod:
- Parang kinikilabutan ang buong ulo
- Namamanhid ang anit at bumbunan
- Parang lumalaki ang ulo na namamanhid
- Kilabot sa buong ulo
- Parang makati ang ulo sa anit
Klase ng Doctor Para sa Ulo
Ang isang Head and Neck Doctor ay pwedeng makatulong sayo. Pwede ka rin kumonsulta sa isang Neurologist para sa mga sakit tungkol sa brain at nerves.
Gamot Sa Namamanhid Na Ulo o Bumbunan
Importante na ikaw ay magpatingin sa isang doctor. Dito malalaman kung kailangan mo ng cranial Xray o kaya MRI at CT Scan. Kung ikaw ay may hilo, masakit na ulo at natutumba, ito ay isang medical emergency.