Parang Kapos Sa Hininga – Hirap Huminga Na Mahigpit Sa Dibdib

Para ka bang kapos sa hininga palagi? Ang isang tao na may ganitong sintomas ay maaaring may problema sa baga. Ngunit, hindi lahat ng may ganitong sintomas ay may malubhang karamdaman. Importante pa rin na ito ay matingnan ng isang doktor upang malaman kung ano ang dahilan.

Karaniwang Nararamdaman

Iba iba ang pwedeng maranasan ng isang tao sa kanyang paghinga. Ilan sa mga posibleng sintomas ay ang sumusunod:

  • Masikip na paghinga
  • Parang bitin ang hininga (inhale)
  • Masikip sa dibdib kapag humihinga ng malalim
  • Hindi makahinga ng tuloy tuloy
  • Kapos ang hangin na pumapasok kapag humihinga

Dahilan at Sanhi

Bakit ito nangyayari? Isa sa posibleng dahilan at sakit sa baga. Maraming klase ang mga ito at iba iba ang dahilan. Ilan sa mga pwedeng sanhi ay lung cancer, emphysema, impeksyon sa baga, TB, penumonia at iba pa. Ngunit importante na ikaw ay sumangguni sa isang doktor upang malaman kung ano ang dahilan ng iyong sintomas.

Isa pang pwedeng sanhi ay pagkakaroon ng asthma o hika. Marami sa mga taong meron nito ay nakakaranas ng parang bitin ang hininga kapag inaatake ng hika.

Kung ang iyong paligid ay madumi at puno ng polusyon, ito ay pwedeng makaapekto sa iyong paghinga. Siguruhin na sariwa ang haning na iyong nilalanghap. Sa mga lugar na sarado at masikip, pwede kang makaranas ng paninikip ng hininga dahil sa kakulangan sa oxygen.

Ano Ang Dapat Gawin

Kapag ito ay nararanasan mo palagi, pumunta agad sa isang doktor upang masuri. Importante na ito ay malaman ng sanhi upang hindi lumala kung ito man ay dahil sa isang sakit. Ang ilan pang sintomas na dapat bantayan ay pagkakaroon ng ubo ng matagal, pagdura o pagsusuka ng dugo, biglaang pagpayat, panghihina at iba pa.

May Gamot Ba?

Dapat munang malaman kung ano ang dahilan ng iyong sintomas. Dito lang maibabase kung ano ang klase ng gamot na dapat gamitin at paano ito lulunasan.



Last Updated on August 12, 2018 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Parang Kapos Sa Hininga – Hirap Huminga Na Mahigpit Sa Dibdib