Ayaw mo rin gumastos ng malaki pagdating sa pagpapagamot at pagkakasakit hindi ba? Lahat ng tao ay darating sa punto na kung saan magkakasakit ang mga ito. Kaya important na may mapagkukunan ka ng panggastos. Ang HMO ay pwedeng makatulong sayo lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho. Alamin natin kung para saan ba ito.
Ano Ba Ang HMO?
Ito ay Health Maintenance Organization na kung saan ikaw ay makakahua ng financial na tulong kapag ikaw ay nagkasakit. Pero dapat mong malaman kung ano ang mga limitasyon nito at paano ito gamitin.
Kailangan Ko Ba ng HMO Health Plan?
Kadalasan, ang HMO health plan at health card is required sa mga kumpanya na kung saan ikaw ay nagtatrabaho. Ito ay nagsisilbing parang insurance para sa iyo kapag ikaw ay biglang nagkasakit.
Kailangan mo ito para:
- Makatulong sa gastusin sa pagkakasakit, disgrasya at kung mamatay
- Makakuha ng cash incentives kada araw kapag na-confine ka
- Makapag free check up sa mga doctor na accredited
- Makakuha ng discounts sa medical tests at process
- Mas mura ang babayaran kada buwan
Ano Ang Mga Benefits ng HMO
Iba iba ang pwedeng ibigay na benefits sa isang tao ng HMO. Maraing klase ito pero kadalasan, ang mga sumusunod ay kasama sa iyong package na makukuha:
Free check up sa mga doctor na accredited
Free dental check up depende sa package
Emergency assistance
Daily cash incentive kapag na-confine
Mga laboratory at diagnostics tests
Ano Ang Magandang HMO sa Philippines?
Depende sa iyong hinahanap na benefits, ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang HMO companies:
- Medicard
- Maxicare
- Coco health
- Caritas health
- Intellicare
- Carewell
- Asianhealth
- Fortune Medicare
- East west healthcare
- Value care
Magkano ang Bayad sa HMO?
Depende ito sa company na iyong kukunin. Ang karaniwang rates ng HMO ay lumalabas na mga 1500 to 2500 per month. Pwede kang mamili ng payment terms na gusto mo gaya ng monthly, quarterly, semi annual at yearly o annual.
Pwede Ba Ako Kumuha ng HMO Kahit hindi empleyado?
Oo. Ito ay personal na proteksyon mo para kapag ikaw ay nagkasakit ng biglaan, may maaasahan kang tulong. Kahit ikaw ay self employed, freelancer o businessman, important na may HMO ka para sa iyong healthcare needs.
Ano Ang Pagkakaiba ng HMO sa Health Insurance at Philhealth?
Ang HMO ay mahalaga sa mga mabilisang gastusan sa pagkakasakit o kaya disgrasya. Pwede rin makakuha ng benfits kapag bigla kang namatay. Mas madalas ng mas mura ang rates nito kaysa sa health insurance.
Ang health insurance naman ay depende rin, ito ay parang savings na tumutubo habang tumatagal at pwedeng maibalik sayo ang partial na binayad mo pagkatapos ng terms. Kapag ikaw ay nagkasakit, may matatanggap ka ring benefits. Di tulad ng HMO, may maibabalik sa iyo na part ng mga naihulog mo at may interest pa na dividend. Pero ito ay mas matagal at kailangan mong matapos ang terms, halimbawa 10 years.
Ang Philhealth naman ay makakakuha ka ng discounts sa medical services at pwedeng mareimburse. Isa ito sa pinakamurang options. At sa mga seniors, ito ay automatic.
Ano Ang Pinakamurang HMO Health Plan?
Ano ba ang pinakamurang health card? May mga prepaid cards na pwede mong mabili. Ito ay magagamit mo ng one time lang kapag may biglaang emergency o disgrasya. May mga cards na kasing baba ng Php 700 at Php 900 options. Alamin kung anong HMO ang nagbibigay nito.
HMO Health Plan para sa Anak
May HMO ba para sa mga bata? Ang madalas na setup ay pagkakaroon ng dependents ng isang member. Bilang isang magulang, pwede mo silang ilagay sa iyong dependents na makakabenefit din sa plan mo. Pero may dagdag na bayad kada buwan sa iyong HMO account.
Ano Ang HMO para sa Senior Citizens?
Senior citizen ka ba? Pwede ka pa rin kumuha ng HMO health plan para sa mga gastusin mo sa ospital at pagpapagamot. May ilang plans na binibigay ang gma kompanya na pwedeng magamit agad ng senior citizen members. Magkano ang senior citizen HMO plan? Depende ito sa makukuha mong program mula sa company. Ang madalas na rates ay nagmumula sa Php 1500 pataas depende sa benefits. Pwede ka rin gumamit ng credit card para sa senior citizens kung gusto mo ng installment plans.