Palaging Natatae Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Problema mo ba ang palaging natatae na pakiramdam? HIndi ka nag-iisa dahil ito ay nangyayari rin sa ilang mga tao. Ang pagtae o pagdumi ay normal na paraan ng katawan upang maalis ang mga waste sa kinain natin. Kung ikaw ay madalas makaramdam ng pagtatae, importante na malaman ang dahilan nito.

Mga Sintomas Na Palaging Natatae

Natatae pero utot lang pala

Parating natatae kahit anong oras

Nagtate na lusaw o tubig

Hindi mapigilan ang tae

Mga Sanhi

Ano ang dahilan ng palaging natatae? Ang pagtae ay importante para mabalanse ang nutrients sa katawan at maalis ang mga dumi. Isa sa posibleng dahilan nito ay madaming pagkain. Kung malakas ang iyong appetite, pwede kang matae o madumi nang higit sa isang beses sa isang araw.

Ang iyong kinain ay pwedeng makadulot ng palaging natatae na pakiramdam. Kung ikaw ay kumain ng mga halo halong pagkain, pwedeng masira ang iyong tiyan at ito ay humilab.

Stress ay isa pang dahilan ng palaging natatae. Kung ang iyong katawan ay laging stressed out, ito ay pwedeng magdulot ng pagtatae.

Abnormal na sakit sa tiyan, bituka o sikmura. Kung ikaw ay may iba pang sintomas gaya ng dugo sa tae, pagsakit ng tiyan o pagsusuka, importante na ito ay malaman ng isang doktor. May ilang karamdaman na pwedeng magkaroon ng ganitong sintomas.

Gamot Para Sa Palaging Nadudumi

May ilang over the counter na gamot na para sa diarrhea. Ito ay pwedeng makatulong para mapigilan ang madalas na pagtatae. Itanong sa iyong pharmacist kung ano ang pinakamabisa para rito.

Mga Pagkain na Dapat Iwasan

Iwasan muna ang pagkain ng mga may caffeine, dairy o kaya naman mamantika na pagkain para hindi mahirapan ang tiyan.