Palaging nanunuyo ba ang loob ng bunganga mo? Ang ganitong klase ng sintomas ay pwedeng mapawi ng pag-inom ng tubig. Ngunit kung palagi itong nangyayari, marapat na malaman mo kung ano ang sanhi ng tuyo na loob ng bunganga o bibig. May ilang karamdaman na pwedeng magdulot nito.
Mga Karaniwang Sintomas
- Nanunuyo ang bunganga
- Parang malagkit masyado ang laway
- Hirap lumunok dahil tuyo ang bunganga
- May mabahong hininga
- Natutuyo and dila at gilagid
Bakit Kaya Ito Nangyayari?
Ano ang posibleng dahilan ng natutuyong bunganga? Isa sa pwedeng dahilan nito ay ang pag-inom ng ilang gamot. May mga gamot na pwedeng magdulot ng tuyong bunganga bilang side effects. Kung ikaw ay may iniinom na gamot, alamin kung ano ang side effects nito.
Dehydration at kakulangan sa tubig ay isa rin sa posibleng sanhi ng dry mouth o panunuyo. Kung ikaw ay hindi mahilig uminom ng tubig, dapat na gawin itong madalas dahil importante ito sa ating kalusugan.
Katandaan. Ito rin ay pwedeng mangyari sa mga taong nagkaka-edad na. Dahil hirap na gumawa ang katawan ng normal na gawain, maaaring maapektuhan nito ang salivary glands.
Nerve damage o pagkasira sa mga kaugatan ay pwede ring magdulot ng tuyo na lalamunan at bunganga.
Diabetes. May ilang tao na nakakaranas na parang palaging uhaw dahil sa diabetes. Importante na alamin ang iyong blood sugar level upang malaman kung ikaw ay diabetic.
Paano Ito Lulunasan?
Nagagamot ba ang tuyong bunganga? Ang ganitong kondisyon ay hindi isang sakit. Ito ay posibleng sintomas ng isa pang karamdaman na siyang magbibigay sa iyo ng babala. Kung ikaw ay may tuyong bunganga sa araw araw kahit uminom ng tubig, isangguni ito sa isang doktor.
Anong Doktor Ang Dapat Konsultahin
Ang isang family medicine o general medicine na doktor ay pwedeng sumuri sa iyong kondisyon. Kung may iba pang nakikitang problema sa iyong bunganga, maaari ka nilang i-refer sa isant ENT na doktor depende sa resulta ng iyong mga test.
Mga Dapat Iwasan
May ilang gawain na pwedeng magdulot ng tuyong bunganga. Ilan sa mga ito ay maaaring dahil sa:
Pagpupuyat
Paninigarilyo
Stress