Masakit ba ang mata mo? Kung ito ay namumula at mahapdi, maaaring ito ay sore eyes. May ilang sintomas na dapat mong malaman kung ang pamumula ng mata ay dapat nang ipatingin sa doktor. Ito ay pwedeng makairita sa iyong mata at maging sanhi ng pamamaga.
Ano Ba Ang Mga Sintomas?
May ilang tao na nakakaranas ng pamumula ng mga mata. Ito ay pwedeng dahil sa dumi o impeksyon. Ilan sa mga posibleng sintomas ay ang sumusunod:
- Namumula ang sulok ng mga mata
- Mahapdi ang mata
- Makati at namumula ang mata (kanan at kaliwa)
- Mabigat ang talukap at namumula ang mata
- Masakit na mata kapag pumipikit
- Nagmumuta ang mata at namumula
- Pula ang mata na parang dugo
Bakit Ito Nangyayari?
May ilang kondisyon na pwedeng maging sanhi ng pamumula ng mata. Kapag ang mata ay makati, namumula, namamaga, nagluluha at may mga muta, maaaring ito ay sore eyes. Pwede itong makuha sa simpleng pagkuskos ng mata ng maruming kamay.
Sa isang banda, ang pamumula ng mata na hindi makati ay posibleng dahil sa high blood pressure. May mga tao na namumula ang mata dahil mataas ang kanilang presyon. Ito ay delikado kapag napabayaan.
Iba pang posibleng sanhi ng pulang mata ay cancer, hiv, tumor o pumutok na blood vessels. Siguruhin na kumonsulta sa isang doktor upang malaman ang iyong sakit kung mayroon man.
Ilan pang posibleng dahilan:
- Allergy
- Fatigue o sobrang
- Glaucoma
- Pagsusuot ng contact lens
Ano Ang Gamot Sa Pamumula?
Ang bacterial infection ng sore eyes ay nagagamot ayon sa payo ng doktor. May mga eye drops na pwedeng gamitin na nirereseta ng isang ophthalmologist. Sa isang banda, ang blood pressure ay pwede rin macontrol ng gamot.
Nakakabulag Ba Ito?
Ang namumula na mata ay posibleng nasa labas lamang. Kung ikaw ay may nararanasan na panlalabo ng mata, pagkahilo, sakit ng ulo at iba pa, kumonsulta kaagad sa isang doktor.