Ang pakiramdam na palaging naiihi ay dapat na bantayan. Ilan sa mga problemang pangkalusugan ay pwedeng magdulot ng madalas na pag-ihi ay diabetes, UTI o cancer ayon sa PennMedicine.
- Diabetes
- Pagkakaroon ng prostate cancer
- Sakit sa uterus, bahay bata
- Impeksyon sa pantog
- UTI
- Namamagang prostate
- Cancer sa ibang bahagi ng katawan
- Malamig na panahon
Ang mismong sintomas nito ay madalas na pag-ihi. Kung ito ay nangyayari, maaaring ang iyong ihi ay dilaw na o dark brown. Normal ito kung kulang ka sa tubig at palaging umiinom ng mga inumin na may kulay.
- Madalas na pag-ihi sa gabi
- Palaging naiihi sa buong araw
- Hirap magpigil ng ihi
May ilang sintomas ng cancer na pwedeng magpalala sa kondisyon ng pag-ihi. Sa mga lalaki, ito ay pwedeng dahil sa namamagang prostate gland. Kung ito naman ay sa cancer, maaari itong bigyan ng lunas sa pamamagitan ng treatment mula sa doktor.
Maaaring walang gamot na pwedeng makalunas sa madalas na pag-ihi dahil depende ito sa likido sa loob ng katawan. Ngunit kailangan mong kumonsulta sa isang doktor kung ito ay may malalang sintomas na kasama gaya ng dugo sa ihi, masakit kapag umiihi, konting ihi ang lumalabas, lagnat at iba pa.
Ang isang urologist ang doktor na pwedeng tumingin sa problema sa pag-ihi. Maaari kang bigyan ng ilang tests para masuri kung ano ang dahilan ng iyong sintomas. Ilan sa mga ito ay urinalysis, rectal exam at ultrasound. Pumunta sa pinakamalapit na ospital upang masuri ang iyong sintomas.