Palagi bang tumitigas ang muscles mo sa paa o kamay? Ang ganitong klase ng sintomas ay may kinalaman sa pulikat. Kung ikaw ay palaging nakakaranas nito, maaaring kailangan mo ng solusyon na pangmatagalan.
Ano Ang Pulikat?
Ang muscle cramps o pulikat ay biglaang pagtigas ng muscle sa kahit anong bahagi ng katawan. Madalas ito ay nangyayari sa paa, hita, tiyan, leeg at mga braso at kamay.
Sintomas
Naninigas na mga muscle sa binti at braso
Masakit na pulikat sa mga paa
Parang pinipiga na sakit sa kalamnan
Ano Ang Dahilan Ng Pulikat?
Maaaring iba iba ang sanhi ng pulikat. May mga pagkakataon na dahil ito sa sakit o kaya naman sa sobrang pagod. Ilan sa posibleng dahilan ng madalas na pulikat ay:
- Kulang sa potassium
- Kakulangan sa calcium
- Panahon lalo na kapag malamig
- Sakit sa kidney o bato
- Kakulangan sa tubig o dehydration
Mga Dapat Gawin At Gamot
Ang karaniwang pulikat ay nawawala rin ng kusa matapos ng ilang minuto. Maaaring hindi na ito kailangan gamutin kung ang sanhi ay simpleng pagod lamang ng muscles. Ngunit ang parating pulikat na sintomas na dahil sa sakit o kaya sa kakulangan ng nutrisyon ay dapat na maagapan ayon sa gamot na ibibigay ng doktor.
Pwedeng igalaw galaw o kaya himasin nang marahan ang apektadong parte ng katawan. Ugaliin ring mag-exercise para mas maging flexible ang muscles.
Ang edad ay may epekto rin sa pagkakaroon ng madalas na pulikat. Ito ay madalas sa matatanda kapag ang tao ay nasa edad 40 years old pataas. Ngunit may mga bata rin na pwedeng makaranas ng pulikat lalo na kung sila ay aktibo.