Nangangati ba ang iyong lalamunan? Ito ay pwedeng maging sanhi ng pag-ubo at pagdahak. Kung ito ay madalas mangyari, dapat na malaman mo kung bakit ito nangyayari.
Mga Posibleng Sintomas
Iba iba ang interpretasyon ng mga tao sa pakiramdam sa lalamunan. Narito ang ilan sa mga nirereklamong sintomas ng mga tao tungkol sa parteng ito:
- Tuyo at makati ang lalamunan sa loob
- Nangangati at nauubo
- Parang may gasgas sa lalamunan
- Nadadahak at nauubo sa kati ng lalamunan
- May parang plema sa lalamunan
Mga Posibleng Dahilan
Ang throat o lalamunan ay pwedeng magkaroon ng makating pakiramdam dahil sa infection. Isa rito ang sore throat na may konting hapdi kapag lumulunok.
Ayon sa WebMD, ang pangangati ay pwede ring dahil sa allergies.
Kung ikaw ay may panunuyo ng lalamunan, importante na ikaw ay marehydrate. Ang simpleng pag-inom ng tubig ay makakatulong na.
Ang pagkakaroon rin ng plema at ubo ay maaaring magdulot rin ng pangangati.
Paano Gamutin?
Sa bahay, maaari ka ring uminom ng mga juices na sagana sa vitamin C. Pwede ka ring gumamit ng lozenges para mapawi ang pangangati ng lalamunan.
Kung ang doktor ay may nakitang infection, maaari ka niyang bigyan ng antibiotic o gargles.
Anong Klaseng ng Doktor
Kung ikaw ay may ibang sintomas gaya ng lagnat o pagdudugo ng lalamunan, maaari kang pumunta sa isang ENT na doktor.