Palaging Lusaw Ang Tae – Dahilan Ng Lusaw Na Dumi Na Parang Tubig Na

Lusaw ba palagi ang dumi mo? Kung ito ay nangyayari na ng ilang araw, marapat na ito ay bigyan ng solusyon. Minsan, ang sobrang pagdumi ng lusaw o parang tubig na ay posibleng magkaroon ng komplikasyon. Ang dapat mong gawin ay ipakonsulta ito sa isang doktor upang malaman kung ikaw ay may sakit. Bakit ba ito nangyayari?

Ano Ang Nararamdaman ng Meron Nito?

Ang pagkakaroon ng palaging lusaw na tae ay maaaring may mga sumusunod na sintomas:

  • Parang tubig na ang dumi
  • Palaging lusaw ang tae at kulay dilaw
  • Brown na tae na parang tubig
  • Likido na ang dumi
  • Masakit ang tiyan at hindi tumutigil na pagtae
  • Madalas na ilang beses tumae sa ilang araw

Ano Ang Sanhi Nito?

Isa sa posibleng sanhi ay LBM o kaya diarrhea. Ito ay kondisyon ng digestive system na kung saan ay naiirita ang stomach at intestines dahil sa sakit. Maaaring ito ay dahil sa bacteria, fungus o kung minsan at cancer. May ilang pagkakataon na ito ay nangyayari dahil sa pag-inom o pagkain ng maruruming inumin, tubig at mga pagkain.

Sa ibang pagkakataon, ang palaging tunaw na pagtae ay posibleng may kinalaman sa cancer. Halimbawa, kapag may tumor sa colon na nagiging colon cancer, ang daluyan ng dumi ay nahaharangan at pwedeng makaapekto sa itsura nito. Magiging maliliit ang mga dumi o kaya naman ay likido pa rin na parang tubig.

Ano Ang Dapat Gawin?

Ang pagtatae ng lusaw na umaabot ng isang linggo ay dapat nang ipakonsulta sa doktor. Ang isang gastroenterologist ay siyang pwedeng tumingin sa iyo at magbigay ng tests o gamot para malaman ang sanhi ng iyong pagdumi ng lusaw.

Mga Pagkain Na Dapat Iwasan

Ano ang mga bawal na pagkain? Ang pagkakaroon ng diarrhea ay mahirap na kalagayan. Iwasan muna ang mga pagkain na mamantika o kaya naman ay yung mga mahirap matunaw. Ito ay lalo lamang magpapatagal ng paggaling ng iyong tiyan kung ikaw nga ay may LBM. Pwede ring kumain muna ng maliliit na servings ngunit mas madalas sa isang araw. Ito ay magbibigay ng sapat na panahon para maka-recover ang digestive system.



Last Updated on July 27, 2018 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Palaging Lusaw Ang Tae – Dahilan Ng Lusaw Na Dumi Na Parang Tubig Na