Lagi bang makati ang kilikili mo? Ito ay isang sintomas na hindi dapat balewalain dahil may ilang skin conditions na pwedeng sanhi nito. Ang makating kilikili ay nakakaabala sa iyong gawain at kailangan mo na itong solusyonan.
Posibleng Sakit ng Makati na Kilikili
- Skin infections
- Psoriasis
- Dermatitis
- Cancer – Example, Breast Cancer
- Lymphoma
Importanteng malaman kung ano ang nagpapakati sa kilikili mo.
Mga Sintomas Ng Kilikili na Kumakati
May ilang tao na ang pangangati ay panandalian lamang. Ito ay marahil dahil sa balat na nasa kilikili o kaya naman ay mga sintomas dahil sa skin infections. Ilan sa mga sintomas na pwedeng maranasan ay:
- Pangangati ng kilikili kapag nagpapawis
- Makati ang kilikili palagi dahil sa damit
- Kumakati ang kilikili at namumula
- Makati ang kilikili at mabaho
Ano Ang Mga Posibleng Sanhi?
Ang sanhi ng makating kilikili ay iba iba. Sa isang banda, ang pangangati ay pwedeng dahil sa skin rashes, allergy o infection. May mga damit na pwedeng magdulot ng allergic reaction. Ganun din may ilang deodorant o kaya sabon na nagdudulot ng makating kilikili.
May mga kaso ng lymphoma na pwedeng magign dahilan ng kilikili na makati. Ang mga research ay nagsasabi na pwedeng dahil ito sa chemicals na nire-release ng katawan.
Ang ilang cancer naman ay pwede rin magdulot ng makati na kilikili, halimbawa sa mga taong may breast cancer. Tandaan na dapat kang kumonsulta sa isang doktor bago mo malaman na ito nga ay dahil sa cancer. Hindi dahil may pangangati ka ay cancer na nga ang dahilan.
Gamot sa Makating Kilikili
Ang mga gamot sa nangangati na kilikili ay depende sa diagnosis ng doktor. Pwede kang kumonsulta sa doktor bago magkaroon ng lunas ang iyong kilikili at sintomas nito.
Doktor Para sa Kilikili
Ano ang doktor na pwede tanungin tungkol sa kilikili? Kung ito ay may kinalaman sa balat, ang dermatologist ay pwedeng makatulong. Ngunit kung hindi sigurado, pwedeng magsimula muna sa isang family medicine doctor.
Source: Webmd