Palaging Hinihingal At Pagod Ano Ang Dahilan Nito?

Palagi ka bang hinihingal at parang bitin sa hangin? Ang iyong hininga ay pwedeng maapektuhan dahil sa ilang mga kodisyon at problemang pangkalusugan. Ngunit dapat mo munang malaman kung ano ang dapat mong gawin para magamot ang mga sintomas na ito. Kung madalas na hingalin ang iyong nararanasan sa konting trabaho o galaw, mainam na ito ay ipakonsulta sa isang doktor.

Mga Nararamdaman na Sintomas

Ang mga sintomas na hirap sa paghinga at hingal ay pwedeng magkaroon ng iba pang senyales gaya ng mga sumusunod:

  • Palaging hingal kapag gumawa ng konting trabaho
  • Hinihingal kaagad matapos gumalaw
  • Hingal na nararamdaman kapag naglalakad
  • Kapos an hininga kapag konting trabaho lang
  • Mahigpit ang hinga
  • Hinihingal nang walang dahilan
  • Bitin sa hangin sa paghinga

Bakit Ito Nangyayari?

Ano ang sanhi ng laging paghingal? Ito ay maaaring may kinalaman sa iyong baga. Ang ilan sa mga posibleng dahilan nito ay:

  • Allergy
  • Asthma
  • Problema sa baga
  • Sipon
  • Sakit sa baga gaya ng lung cancer o emphysema
  • Pagkakaroon ng impeksyon
  • Diabetes
  • Anxiety attack at stress at iba pa

Paano Ito Gagamutin?

Ang paghingal ay maaaring problema sa iyong baga o respiratory system. Ito ay magagamot lamang kapag nadiagnose na ng doktor ang iyong problema. May mga treatment at therapy na pwedeng gawin kapag ikaw ay nagkaroon ng mga sakit sa baga at paghinga.

Nakakahimatay Ba Ang Paghingal?

Posibleng nakakahimatay ang kakulangan sa hangin kapag ikaw ay hinihingal. Ngunit mas makakabuti kung ikaw ay kokonsulta sa isang doktor upang malaman ang iyong karamdaman.



Last Updated on July 18, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paghinga / Palaging Hinihingal At Pagod Ano Ang Dahilan Nito?