Pakiramdam Na Parang Hihimatayin – Ano Ang Sanhi Nito?

Nakakatakot ang sintomas na parang hihimatayin. Kung ikaw ay nakakaranas nito at madalas mangyari, dapat mong malaman na ito ay hindi nasa isip lamang. May mga problema sa kalusugan na pwedeng maging sanhi ng pakiramdam na ito. Maaaring hindi ito pangkaraniwan ngunit pwede itong lumala kung hindi maagapan.

Ano Ang Dahilan Ng Parang Mahihimatay?

Isa sa pinakamalapit na sanhi nito ay pagkakaroon ng anxiety attacks. Ito ay isang uri ng behavior, mental at psychological na sakit na kung saan meron kang mga sintomas ayon sa iyong pag-iisip. Ang anxiety attacks ay nangyayari kapag ikaw ay masyadong nag-aalala o natataranta kahit wala namang mabigat na dahilan.

Normal sa atin na mataranta at mag-isip ngunit sa mga taong may anxiety attacks, ito ay mas grabe at pwedeng magdulot ng mga pisikal na sintomas. Isa na rito ang parang hihimatayin ka.

Maliban sa ganitong karamdaman, ang pakiramdam na ito ay maaari ring may kinalaman sa hormones, sa iyong mental health at sa epekto ng iyong paligid ayon sa iyong pag-iisip.

Mga Posibleng Sintomas Na Meron Ka

Maliban sa nabanggit na sintomas, pwede ka ring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:

  • Parang biglang hihimatayin
  • Natataranta at nababalisa
  • Parang hindi makahinga
  • Nanginginig ang katawan at tuhod
  • Bigla na lang natataranta ng walang dahilan
  • Parang nasusuka at nahihilo
  • Pakiramdam na parang mababaliw o masisiraan ng ulo

Nakakamatay Ba Ito?

Isa sa kakatwang bagay sa anxiety attacks ay ang katotohanan na wala naman talagang dapat ipag-alala. Ang ating utak at isip ang bigla na lang gumagawa ng dahilan na pinapagrabe naman ng ating kakayanan maging imaginative. Kung iyong mapapansin, kahit na ilang beses ka magkaroon ng ganitong sintomas ay hindi naman talaga natutuloy ang iyong pagkahimatay at lumilipas din.

Ano Ang Gamot Para Rito?

Dapat ka munang magpakonsulta sa isang psychiatrist upang makumpirma na ikaw ay may anxiety attacks. Ang nabanggit na dahilan ay hindi sapat upang isipin mo na meron ka nga nito. Tanging ang doktor lamang ang pwedeng magsabi kung ano ang iyong karamdaman.

Sa isang banda, pwede ka rin kumonsulta sa isang neurologist. Ito ang doktor na makakapagsuri kung ikaw ay merong problema sa utak na pwede ring maging sanhi ng anxiety attacks. Kung ikaw ay makumpirma na may anxiety o panic attacks, may mga mabisang treatment na pwedeng gawin sa iyo gaya ng pag-inom ng gamot at behavioral therapy.

Ano Ang Pwedeng Gawin Sa Bahay

Kung ito ay dahil sa anxiety attacks, isa sa mabisang paraan upang mabawasan ang mga sintomas ay ang pagrerelax. Makakatulong rin ang exercise para magkaroon ng positive outlook sa buhay.