Ang masakit na paglunok ng laway ay pwedeng dahil sa sore throat. Isa itong infection na dapat gamutin.
Pwedeng hindi lang laway ang magbibigay sa iyo ng sakit kapag lumulunok. Minsan, kahit pagkain o tubig ay masakit din ilunok.
Isa sa madalas na dahilan ay sore throat. Nangyayari ang sore throat kung may tonsillitis ayon sa MountSinai.
Samantala, ang ganitong sintomas ay maaari ring dahil sa tumor, sugat sa lalamunan, madalas na pag ubo o kaya naman ay pagkakaroon ng sipon at plema.
Ang tonsillitis ay isang impeksiyon. Dapat mo ito ipa check up sa doctor. Kung confirmed, ikaw ay bibigyan ng antibiotice. Sa bahay, pwedeng magrekomenda siya ng mouthwash.
Sa bahay, maaari ring malunasan ng bahagya at mabawasan ang pananakit sa pamamagitan ng pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Pwede ring haluan ng suka para sa dagdag na pampawi ng pananakit.
Ang payo sa akin ng doktor ay iwasan muna ang pagkain ng matatamis, maalat at maanghang na mga pagkain.
Ang isang ENT na doktor ang maaaring sumuri sa problema sa lalamunan. Maraming klase ng ganitong doktor sa mga ospital na malapit sa iyo.