Paano Tanggalin ang Stretchmarks – Kamot Sa Balat at Taba

Pangit ba ng balat mo sa tiyan, hita o braso? Madalas ito ay nangyayari kapag bigla kang pumayat at nagkakaroon ng stretchmarks. Ang stretchmarks ay natural na nangyayari kapag ang balat ay nawalan ng laman. Ito rin ay pwedeng tawagin na kamot sa balat.

Sintomas ng Stretchmarks

  • Ito ay guhit guhit na balat
  • Nangingitim na guhit sa balat
  • Parang kamot sa balat
  • Linya sa balat na ayaw mawala

Ano ang dahilan ng Kamot?

Ang kamot ay nangyayari kapag bigla nawala ang laman ng iyong balat. Kung ikaw ay nag-diet o kaya naman nag-exercise, pwedeng matunaw ang mga taba sa ilalim ng balat at ito ay kukulubot o magkakaroon ng linya.

Sa mga buntis, ang paglaki ng tiyan at pagkatapos manganak ay pwedeng magdulot ng kamot o stretchmarks.

Stretchmarks sa mga Lalaki

Madalas babae ang posibleng magkaroon ng stretchmarks o kamot pero ang mga lalaki at pwede rin magkaroon nito. Halimbawa, ang biglang pagtaba ay pwedeng bumanat sa gitnang bahagi ng balat na siyang magbibigay ng marka.

Gamot para sa Kamot o Stretchmark

Ang gamot sa kamot sa balat ng babae at lalaki ay pwedeng makuha sa pagkain ng masustansiya lalo na yung may Vitamin A at Vitamin C. Ang balat ay kusa ring babalik sa dati sa paglipas ng panahon.

May mga ilang doktor na pwedeng magbigay ng creams o lotions para sa stretchmarks na siyang magbabalik sa natural na anyo ng balat.

Herbal Para sa Kamot

Importante na magtanong sa isang derma bago gumamit ng kahit anong produkto para sa balat. Gamot ba ang coconut oil sa stretchmarks? May ilang mga tao na hiyang sa coconut oil dahil ito ay natural. Kung ikaw ay gagamit nito, siguruhin na hindi ka allergic dito.



Last Updated on July 23, 2019 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Paano Tanggalin ang Stretchmarks – Kamot Sa Balat at Taba