Paano Paputiin Ang Ngipin na Naninilaw

Ang mga ngipin kahit na ito ay sa harap, pangil o bagang ay pare-parehong pwedeng paputiin sa paggamit ng toothpaste na may whitening. Ilan sa mga ito ay may sangkap na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin ayon sa Healthline.

Ang ngipin ang unang nakikita kapag ikaw ay ngumingiti. Minsan, ito ay may mantsa na manilaw-nilaw kaya dapat mong malaman kung paano ito paputiin. Kung ang ngipin mo ay may sira, dapat mo rin itong ipaayos upang hindi mabulok.

Ang naninilaw ng ngipin ay madalas na may kinalaman sa mga kinakain at ginagawa sa bunganga. Ang mga sumusunod ay posibleng dahilan ng dilaw na ngipin:

  • Nicotine dahil sa paninigarilyo
  • Pag-nganga sa mga probinsiya
  • Pagkain ng mamantsang pagkain gaya ng kape
  • Pagkakaroon ng impeksyon sa ngipin
  • Natural na kulay na ngipin

Ang madalas na nilalagay sa toothpaste ay 2 weeks o dalawang linggo. May chart na pwedeng gamitin upang malaman kung pumuputi na ang mga ngipin.

Pwede ka rin kumonsulta sa isang dentista para malaman kung paano paputiin ang mga ngipin. May mga bleaching toothpaste at iba pang gamit na pwedeng maglinis ng mga ito para pumuti ulit.

Kung ikaw ay walang budget, maaari ka munang gumamit ng mga toothpaste na may whitening para dahan dahang pumuti ang iyong mga ngipin.

Ang ngipin ay gawa sa enamel at calcium. Ang pagkain ng masustansiyang pagkain na mayaman sa calcium ay magpapatibay ng mga ito. Ngunit ang pagputi at panlabas na parte lamang ng ngipin.

Murang Dentista

Maaari ka munang pumunta sa mga dentista upang malaman ang presyo ng teeth bleaching or teeth whitening na mga serbisyo. Sa mga mall, mayroon ding mga serbisyo na pampaputi ng ngipin.

Iba Pang Problema

May ilang tao na may crack o biyak sa ngipin. Kung ikaw ay meron nito, dapat mong ipaayos ito sa pamamagitan ng pasta o iba pang proseso na rekomendado ng doktor. Ang pagkakaroon ng crack sa ngipin o pingas ay dagdag na problema maliban sa dilaw na ngipin.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Kalusugan sa Ngipin / Paano Paputiin Ang Ngipin na Naninilaw