Paano Pababain ang Uric Acid – Mga Pagkain Dapat Iwasan

Madalas ka bang magkaroon ng arthritis or gouty arthritis? Ang madalas na dahilan nito ay pagkakaroon ng mataas na uric acid sa dugo mo. Kung medyo may edad ka na, mas mataas pa ang chance na magkaroon ka ng gouty arthritis.

Dahilan ng Mataas na Uric Acid

Ang uric acid ay maaaring tumaas dahil sa ilang pagkain. Pwede rin itong mas maging malala kung ang tao ay kulang sa tubig o exercise. Mabuting magpatingin sa isang orthopedic doctor para malunasan ang arthritis na dulot ng mataas na uric acid.


Ano Ang Pampababa ng Uric Acid

May ilang hakbang para bumaba ang uric acid sa dugo. Ilan sa mga ito ay uminom ng maraming tubig, iwasan ang mga pagkain na nagpapataas nito, magpa-check up sa doctor kung kinakailangan para sa resetang pain reliever at mag-ehersisyo ng marahan.

Paano Nakukuha ang Sobra Nito?

Ang uric acid ay natural na chemical sa katawan mula sa pag-breakdown ng cells at sa mga kinakain natin. Madalas, ito ay dahil sa mga pagkain na gawa sa seeds o buto.

Ang mga halimbawa ng pagkain na mataas sa uric acid ay munggo, mani at iba pang mga gulay. Ito ay mga pagkain na dapat iwasan lalo na kung nakumpirma sa isang blood test na mataas ang level ng iyong uric acid. Sa mga ngakaranas na nito, makakabuting umiwas sa mga pagkaing nabanggit  upang mapababa ang uric acid sa dugo.

Mga Pagkain na Sanhi ng Arthritis o Gout

Ilan sa mga pagkain ay nakakataas ng pagkakataon na magkaroon ng sobrang uric acid sa dugo:

  • Matatabang pagkain
  • Mushroom
  • Cauliflower
  • Laman loob (atay, balun-balunan, etc.)
  • Beer
  • Tahong
  • Hipon
  • Beans
  • Munggo
  • Asparagus

Ano ang Epektibong Gamot sa Mataas na Uric Acid?

Ang uric acid ay natural din na lumalabas sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Pero kapag masyado na itong mataas, napopondo ang mga crystals sa joints na nagiging sanhi ng gouty arthritis.

Kung masyado nang mataas ang napopondong crystals at masakit na ang iyong kasu-kasuan, kailangan mong magpakonsulta sa isang doktor para sa gamot na pwedeng inumin upang mapawi ang sakit.

Sino Ang Pwedeng Magkaroon Nito?

Kahit sino ay pwedeng tamaan nag arthritis. Ngunit ang mga may edad at mga taong mahilig uminom ng alak na may sangkap na seeds ay pwedeng magkaroon ng gouty arthritis. Kung ikaw ay may edad na, pwedeng mahirapan sa paglalakad dahil ang apektadong bahagi ng katawan at mga kasu-kasuan sa tuhod at paa. Ngunit pwede rin itong magdulot ng sakit sa mga daliri at kamay.

Mga Pagkain na Mataas sa Uric Acid

Pwede mo rin tingan ang table ng uric acid chart ng mga pagkain para malaman kung anong foods ang dapat iwasan. Gaya ng nasabi sa itaas, ito ay madalas na mga seeds.

Ano Ang Sanhi ng Mataas ng Uric Acid?

Ang mataas na uric acid sa dugo ay madalas na nakukuha sa pagkain at inumin na nagpapataas nito.

Mga Senyales ng mataas na uric acid. Ang pagkakatoon ng arthritis, gout at pamamaga ng mga kasu kasuan at bukol ay mga senyales nito. Minsan, ang ilang tao ay nagkakaroon ng paninigaw ng muscles o lagnat.

Ano ang herbal na mabisa sa uric acid? Importante na ikaw ay magpakonsulta sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot at herbal medicine.

Reference: Mayoclinic

error: Copyright Protected!