Mataas ba palagi ang blood sugar mo? Kung ikaw ay may pagsisimula na ng diabetes, importante na pababain ang iyong blood sugar upang maiwasan ang komplikasyon. Ang diabetes ay isang seryosong sakit at dapat mong malaman kung paano ito pwedeng i-manage.
Mga Sintomas ng Mataas na Blood Sugar Level
Ilan sa mga posibleng sintomas ng blood sugar level na mataas ay ang mga sumusunod:
- Masakit ang ulo
- Fatigue
- Nanlalabo ang paningin
- Madalas na pag-ihi
- Pagbaba ng timbang
- Laging nauuhaw
Sanhi ng Mataas na Blood Sugar
Ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay pwedeng dahil sa iyong diabetes. Kung ikaw ay meron nito, hindi namamanage ng mabuti ang sugar level sa iyong dugo dahil sa iyong sakit. Kung masyadong mataas ang iyong blood sugar, pwede kang magkaroon ng mga sugat na matagal o hindi gumagaling, panghihina, mga damage sa nerves at iba pa.
Kapag hindi maganda ang iyong metabolism, pwedeng tumaas ang iyong blood sugar na maaari ring sanhi ng iyong diabetes. Importante na ikaw ay magpa-check up upang malaman kung paano mapababa ang blood sugar.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain
Ang blood sugar ay pwedeng tumaas kapag hindi ito nabigyan ng tamang lunas. May mga gamot na pwedeng tumulong para mapababa ang bloof sugar o kaya naman ang paggamit ng insulin shots.
Ilan sa mga pagkain na pwedeng magpataas ng blood sugar ay mga matatamis na pagkain, mayaman sa carbohydrates at mga processed foods. Maaaring iwasan o bawasan muna ang pagkain ng mga ito habang ikaw ay naggagamot. Itanong sa iyong doktor kung ano ang mga dapat kainin at iwasan.
Mga Dapat Kainin na Pagkain
May ilang pagkain na pwedeng makatulong para mapababa ang iyong blood sugar level. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Mga pagkain na mataas sa fiber
- Berries
- Green vegetables
- Low calorie drinks
- Mga pagkain na mayaman sa protein