Paano Mawala Ang Kuliti – Gamot sa Kuliti sa Mata

May maliit na butlig ba sa iyong talukap sa mata? Ito ay maaaring kuliti na pwedeng dahil sa dumi. Kung nakakaabala ito sa paningin mo, importante na malaman kung paano ito gamutin.

Bakit Nagkaroon ako ng kuliti?

Ang kuliti sa mata ay madalas dahil sa nabara na follicle ng pilikmata o eyelashes. Kapag ito ay may bara, pwede itong mainfect.

Ano ang English ng kuliti? Ito ay tinatawag na sty o stye.

Ano Ang Dahilan ng Kuliti?

Ang isang tao ay pwede magkaroon nito kapag may infection sa mata, naiwan na make up o kaya naman ay hindi malinis na mata.

Paano Ginagamot ang Kuliti?

Ang gamot sa kuliti sa mata ay maaaringibigay ng isang doktor. Huwag itong tirisin dahil lalo itong magkaka-infection. Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang ophthalmologist.

Totoo ba na ang kulit ay dahil sa paninilip? Maraming kasabihan na ang kuliti ay dahil sa pamboboso ngunit walang katotohanan ito. Ang kuliti na may nana ay isang infection.



Last Updated on August 9, 2019 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Paano Mawala Ang Kuliti – Gamot sa Kuliti sa Mata

error: Copyright Protected!