Paano Malalaman Kung Natetano – Senyales ng Tetano

Ang tetano ay isang mapanganib na bacteria at ang taong na-expose sa ganitong uri ng germs ay pwedeng mamatay kapag napabayaan. Importante na ikaw ay may alam kung ano ang mga palatandaan ng tetanus infection upang makakuha ka agad ng lunas.

Ano Ang Palatandaan ng Tetano

Sa mga taong nainfect ng ganitong bacteria, ilan sa mga posibleng sintomas ay:

Pananakit ng muscles

Pagkakaroon ng matigas na panga at hindi maigalaw

Posibleng lagnat

Parang nakangiti ang muscles ng bibig

Iritable

Paninigas ng muscles ng leeg at pagkibot nito

Hirap sa paglunok

Mabilis na tibog ng puso at pagpapawis

Ano Ang Dapat Gawin Kapag May Tetano o Hinala Nito?

Pumunta agas sa ospital upang makita ng doktor ang iyong mga senyales. ito ay dapat na malaman agad ang espesyalista upang maibigay ng maaga ang tetanus shots o vaccine. Ang tetanus na bakuna at magbibigay proteksyon para sa iyong katawan.

Paano Nakukuha Ang Tetano?

Kapag ikaw ay nasugatan ng malalim at ito ay napasukan ng bagay na may tetano, ikaw ay pwedeng ma-infect. Ang tetano ay pwedeng makuha sa mga maduduming bagay gaya ng lupa, mga bakal na matigas, pako na madumi, o kahit anong makakasugat sa iyo na may tetanus bacteria.

Nakakamatay Ba Ang Tetano?

Oo, ito ay isang sakit na nakamamatay kapag hindi naagapan. Ang mga muscles ay magkakaroon ng paninigas na siya ring pwedeng makaapekto sa iyong paghinga, pagkain o tibok ng puso. Maaapektuhan rin ang nervous system.



Last Updated on March 6, 2019 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Paano Malalaman Kung Natetano – Senyales ng Tetano