Ang ilan sa mga posibleng dahilan ng pagkonti ng semilya ay pag inom, paninigarilyo o kaya naman ay problema sa thyroid. Ang ilang lalaki ay pwede ring may sexual dysfunction ayon sa MayoClinic.
Ilang pa sa mga posibleng sanhi ay:
- Pagod o stress
- Kakulangan sa sustansiya mula sa pagkain
- Karamdaman tulda ng impotence o hindi makabuntis
- Pagkabaog
- Pagka-expose sa mga masamang kemikal
- Pagkakaroon ng ibang karamdaman na may epekto sa semilya
Paano Padamihin
Ang tamod ay binubuo ng likido at mga semilya na dapat sapat para makabuntis. Ilan sa mga makakatulong na paraan ay:
- Pag eehersisyo para sa mas matatag na immune system
- Pag-inom ng tubig ng regular na dami
- Pagbabawas sa pagpupuyat
- Pagkain ng masustansiyang pagkain
- Pag iwas sa masyadong matamis, maalat at mamantikang pagkain
- Pag-iwas sa alak
- Pag-iwas sa paninigarilyo
Maaaring kumonsulta muna sa isang family medicine or general medicine na doktor. Ang isang urologist ay maaari ring tanungin tungkol sa problemang may kinalaman sa ari ng lalaki.