Paano Gamutin Ang Stiff Neck – Masakit na Leeg Kapag Gumagalaw

Masakit ba palagi ang iyong leeg kapag yumuyuko o umiiling? Maaaring ikaw ay may stiff neck. Minsan, ito ay posibleng makuha dahil sa maling posisyon ng iyong ulo. Kung ito ay nagiging problema na sa pang araw-araw, dapat mong malaman kung ano ang pwedeng gawin para malunasan ito.

Mga Sintomas ng Stiff Neck

Ang stiff neck ay isang uri ng sprain na nangyayari sa muscles ng iyong leeg. Kapag ikaw ay meron nito, maaari kang makaranas ng mga sumusunod na sintomas:

  • Hindi makayuko ng maayos dahil masakit
  • Parang masakit ang leeg
  • Naninigas ang leeg
  • Masakit na leeg sa gilid kapag umiiling

Ano Ang Dapat Gawin

Kung ikaw ay may stiff neck, ito ay kusa ring mawawala habang tumatagal. Ngunit ito ay makakaapekto sa iyong araw araw na gawain. Kung gusto mo itong mawala ng mas mabilis, pwede mo itong hilutin dahan dahan upang marelieve ang strain.

Pwede mo ring lagyan ng cold o warm compress para marelax ang mga muscles sa leeg. Ito ay makakatulong para mabawasan ang pananakit. Ang stretching ay importante rin para manumbalik ang natural na galaw ng muscles. Dahan dahang gawin ito para hindi mabigla ang leeg.

Ang stiff neck ay pwede ring gamutin sa pamamagitan ng pain reliever ngunit dapat mo itong ikonsulta sa isang doktor kung ikaw ay may ibang komplikasyon sa kalusugan gaya ng diabetes o allergies.

Paano Maiiwasan ang Stiff Neck

Ang kondisyon na ito ay madalas nangyayari dahil sa pagod at sobrang paulit ulit na posisyon ng leeg. Kung ikaw ay mali rin sa posisyon ng iyong pagtulog, pwede itong mangyari. Ugaliin na mag-strecth, igalaw galaw at i-masahe ang iyong leeg kapag ikaw ay nasa posisyon ng matagal na pagkakaupo o pagtayo.





Last Updated on January 25, 2019 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Paano Gamutin Ang Stiff Neck – Masakit na Leeg Kapag Gumagalaw