Paano Gamutin Ang Paos – Gamot sa Pagkapaos

Namamaos ka ba? Ito ay nakakasagabal sa maayos mong pagsasalita na dapat mong bigyan ng pansin. Ang paos na boses ay pwede ring maging dahilan ng mas malalang karamdaman kapag hindi naagapan. Ano ang dahilan ng pagkapaos?

Bakit ako Paos?

Ang paos or hoarse voice ay isang kondisyon na kung saan ang vocal cords ay nagkaroon ng strain. Ito ay pwedeng mangyari kapag matagal kang nagsasalita o kaya masyadong malakas ang iyong boses. Ang pagkapaos ay pwede ring maging resulta sa pagbabago ng panahon o kaya naman ay impeksyon sa iyong lalamunan.

Mga Sintomas ng Pagkapaos

Garalgal ang boses

Hirap magsalita at lakasan ang boses

Magaspang ang boses kapag nagsasalita

Masakit ang lalamunan kapag nagsasalita

Ano Ang Pwedeng Gamot sa Paos?

Ang namamaos na boses ay pwedeng magkaroon ng ginhawa sa pag-inom ng salabat. Ito ay tradisyunal na gamot ng matatanda na nagbibigay ng maginhawang pakiramdam.

Ang ilan pang pwedeng makatulong sa ganitong problema ay pag-inom ng maligamgam na tubig. Sa isang banda, dapat mo ring ipahinga ang iyong boses at pananalita at kusa rin itong gagaling.

Kung ikaw naman ay may nararamdaman na pananakit o kaya dugo at nana, ito ay dapat na sabihin sa isang doktor upang ikaw ay mabigyan ng tamang gamot o antibiotic.

Mga Dapat Iwasan na Pagkain

Ang pagkain ng masustansya ay importante sa kalusugan. Kung ikaw ay namamaos, pwede ka pa rin kumain ng nakasanayang pagkain ngunit dapat mong tandaan na iwasan ang ilan na lalong nagpapasakit sa iyong lalamunan.

Mapapaos pa ako kapag uminom ng malamig na tubig pagkatapos kumanta o magsalita na matagal? May ilang pagkakataon na pwede itong mangyari. Siguruhin na may sapat na pahinga ang iyong lalamunan bago uminom ng malamig na tubig.