Ikaw ba ay na-diagnose na may hyperthyroidism? Kung ito ang nakita sa iyong tests, may mga paraan para ito ay magamot. Ang isang taong may sakit na ito ay pwedeng gumaling sa tulong ng mga gamot na nirerekomenda ng doctor.
Ano ba ang Hyperthyroidism?
Ito ay isang kondisyon na kung saan ang iyong thyroid ay naglalabas ng sobrang thyroid hormones.
Para saan ba ang thyroid?
Ito ay maliit na glands sa iyong leeg o lalamunan. Naglalabas ito ng hormones para tumulong na maconvert ang mga kinakain mo bilang energy at mapakinabangan ng katawan. Ito ay may kinalaman sa sa tinatawag na metabolism.
Bakit Ako Nagkaroon ng Hyperthyroidism
May mga pag aaral na nagtuturo kung bakit ito nangyayari. Ang ilan ay dahil namamana, nagkaroon ng matinding stress o pagkakaroon ng nodules o bukol.
Sintomas ng Hyperthyroidism
Ano ang madalas na maramdaman na sintomas? Biglang pagpayat, pagkakaroon ng palpitations, panginginig ng ibang bahagi ng katawan, mabilis hingalin, may anxiety o pagkabalisa. Ilan lamang ito sa mga posibleng sintomas ng hyperthyroidism.
Ito Ba Ay Thyroid Cancer Na?
Hindi dahil meron ka nito ay cancer na agad. Kaya dapat na kumonsulta agad sa doctor kung may nararamdamang mga sintomas.
Nakakamatay ba ang Hyperthyroidism?
Ang isang tao na meron nito ay pwedeng magkaroon ng komplikasyon kapag hindi naagapan. Kaya mabuting magtanong sa isang doctor para ito ay magamot agad. Ilan sa mga komplokasyon ay pagkakaroon ng sakit sa puso o paghina ng mga buto gaya ng osteoporosis.
Ano Ang Gamot sa Hyperthyroidism?
Ang doctor ang magbibigay sayo ng gamot. Madalas ang binibigay ay may generic name na methimazole. Ito ay ginagamit para matigil ang sobrang thyroid hormones.
Sa mga taong hindi gumaling sa gamutan, pwedeng irekomenda ng doktor ang Radioactive Iodine o kaya surgery. Mas mahal ang mga ito ngunit madalas ay effective.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain kapag may Hyperthyroidism. Hangga’t maaari, umiwas muna sa mga pagkain na may mataas na iodine content kung ikaw ay sumailalim sa radioactive iodine.
Sino Ang Pwedeng Magkaroon ng Hyperthyroidism
Madalas mga kababaihan ang may sakit na ito. Sa mga lalaki, pwede rin itong mangyari.
Anong Doctor ang para sa Thyroid?
Ang isang doctor na endocrinologist ang siyang sumusuri sa mga taong may sakit sa thyroid.