Masakit ba palagi ang tiyan mo dahil sa hyperacidity o mataas na acid sa sikmura? Kung ikaw ay meron nito, isa sa maaaring irekomenda ng doktor ay Kremil S sa mga hindi masyadong matindi na hyperacidity. Importante na malaman mo ang tungkol sa gamot na ito.
Ano Ang Kremil S
Ito ay isang gamot na over the counter na pwedeng mabili kahit walang reseta. Ito ay ginagamit upang mabawasan ang sobrang acid sa sikmura.
Paano Inumin ang Kremil S
Ayon sa Unilab, ito ay pwedeng inumin isang oras bago o matapos kumain at kung paano ito nirekomenda ng doktor. Pwede itong nguyain lamang kahit walang tubig.
Gaano Katagal Ang Bisa ng Kremil-S
Depende ito sa dami ng acid mo sa tiyan. Ito ay pwedeng magibigay ng ginhawa ng ilang oras.
Magkano Ang Kremil-S sa mga Botika?
May ilang botika o drug stores na nagbebenta ng kremil s. Ang presyo ay depende sa tindahan kung saan ka bibili.
Pwede Ba Ang Kremil S Sa Bata? Buntis? Senior citizen o matatanda?
Ang gamot na ito ay dapat ikonsulta sa doktor bago inumin ng bata, buntis o ng matatanda. Itanong sa doktor kung ito ay pwedeng inumin ng mga nabanggit na tao.