Ngalay Sa Likod Ng Binti – Malamig at Manhid

Sumasakit ba ang likod na bahagi ng binti mo? Ito rin ay tinatawag na calf at pwede itong makaranas ng parang pulikat. Kung nangyayari ito sayo, importante na alamin mo kung ano ang sanhi. Ang pagkakaroon ng ganitong sintomas ay dapat bigyan agad ng solusyon.

Mga Halimbawa ng Sintomas

Ang ilan sa mga ito ay pwede mong maranasan:

Nananakit ang likod at gilid na muscle ng binti

Parang may pulikat sa loob ng likod ng binti

Manhid ang gilid ng binti

Parang mainit at napaso ang binti at balat

Sumasakit ang binti at hita kapag nakatayo

Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Ano ang dahilan ng sintomas na ito? Pwedeng ang isang dahilan ay may kinalaman sa sciatica pain. Nangyayari ito kapag may herniated disc ayon sa Mayoclinic. Ang disc sa iyong spinal sa likod at lumbar ay pwedeng lumabas depende sa mga sumusunod:

Nagbuhat ng mabigat

Nahulog mula sa mataas na lugar

Nabundol sa likod

Isa pang pwedeng dahilan nito ay pagkakaroon ng mga nerves na naipit sa bandang puwet. Maaaring may kinalaman din ito sa muscles at strain nito. Importante na malaman ito ng iyong doktor para malunasan.

Ano Ang Doctor Para sa Masakit na Binti

Ang isang orthopedic surgeon ay pwedeng tumingin sa iyong karamdaman. Kung ikaw naman ay gustong magpatherapy, ito ay pwedeng ilapit sa isang rehab doctor.

Ano Ang Gamot Para Rito?

Ang ilang doctor ay pwedeng magbigay ng pain relievers at mga gamot o vitamins para sa nerves ay ugat. Pwede ring ito ay irecommend muna na makita sa isany X ray, ultrasound o kaya MRI para makita lalo kung ano ang problema.

Pwede Ba Ang Massage o Masahe?

Ingatan mabuti na hindi lumala ang iyong kondisyon. Maaaring makatulong ang masahe pero dapat na ito ay may rekomendasyon ng doctor. May ilang massage at stretching na hindi dapat para sa mga may herniated disc.

Exercise Para sa Masakit na Binti

Ang ilang exercises ay makakatulong para hindi maging tight ang muscles sa binti. Itanong ito sa isang doktor o physical therapist.