Nakakaramdam ka ng parang nasusuka pagkatpos kumain? Hindi ka nag-iisa dahil maraming tao ang may ganitong sintomas at dapat mong alamin kung ano ang dahilan nito. Minsan, importante na suriin kung bakit ito nangyayari lalo na dahil hindi normal ang masuka pagkatapos kumain. Ano ang posibleng dahilan?
Ano Ang Posibleng Dahilan?
Isa sa maaaring dahilan ng nasusuka pagkatapos kumain ay hyperacidity. Kung ikaw ay may pangangasim sa sikmura na kung saan pwede itong sumakit, maaaring ikaw ay may hyperacidity, GERD o heartburn. Maaari kang makaramdam ng parang nasusuka pagkatapos mo kumain.
Isa sa posibleng dahilan ng ganitong sintomas ay pwede ring dahil sa stomach cancer. Ang mga tao na may abnormal na pakiramdam sa sikmura na nakakaapekto sa pagkain ay pwedeng may cancer pala.
Gamot Sa Nasusuka
Ang acid reflux o hyperacidity ay kadalasang nagagamot gamit ang mga antacid. Ito ay mabibili sa botika. Ngunit dapat mong malaman na importanteng may payo ito ng doktor upang malaman ang eksaktong klase ng gamot na bagay sa iyong karamdaman.
Sa isang bahagi, ang stomach cancer is usang seryosong sakit na dapat ikonsulta sa isang doktor. Huwag uminom o gumamit ng kahit anong panggamo kung hindi ito nireseta ng isang doktor.
Mga Pagkain Na Dapat Iwasan
May mga pagkain na pwedeng magpataas ng iyong acid sa sikmura. Kung ito ang nagyayari sayo, dapat mong iwasan ang mga sumusunod:
- Caffeine
- Carbonated drinks
- Maasim na inumin
- Maanghang
- Chocolates
Nagsusuka na may kasamang dugo
Kung ang iyong sinusuka ay may kasamang dugo, dapat kang magpatingin agad sa isang doktor. Maaaring ito ay dahil sa sugat sa iyong sikmura sanhi ng ilang kondisyon gaya ng ulcer o kaya naman ay tumor. Pumunta agad sa isang doktor upang malaman ang iyong kalagayan.
Sintomas ng Nasusuka
Kung ikaw ay katatapos lamang kumain at nakakaranas ng pagduduwal, maaaring ikaw ay makaranas ng mga sumusunod:
Nasusuka pagkatapos kumain
Nasusuka pagka-inom ng tubig
Parang naduduwal
May pananakit ng tiyan at parang nasusuka