Lagi ka bang nasusuka kapag nasa bus, jeep, eroplano, barko at kotse? Kung ito ay nangyayari sayo, pwedeng ikaw ay may kondisyon sa kalusugan na dapat mong alamin. Ano ang dahilan ng nasusuka sa biyahe?
Mga Sintomas ng Hilo sa Byahe
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sumusunod, maaaring ang iyong pagbyahe ang nagbibigay ng sintomas:
Nahihilo kapag nasa byahe
Nasusuka tuwing nasa biyahe sa jeep, bus, tren, eroplano, barko at kotse
Nahihilo at nasusuka kapag nakakaamoy ng usok
Ano Ang Dahilan
Ang isa sa pangunahing dahilan ng nasusuka tuwing nasa byahe ay tinatawag na motion sickness. Ito ay isang uri ng reaksyon ng katawana kapag nakakaranas ng pag-uga dahil sa pagsakay sa mga sasakyan.
Ano Ang Gamot?
Madalas ito ay hindi na kailangan ng gamot at lumilipas din matapos ang biyahe. Pero kung ikaw ay masyadong nahihilo, may mga nabibiling gamot sa botika para mismo sa mga nahihilo sa byahe.
Ano Ang Pwedeng Gawin
Ang ibang tao ay nakakaranas ng ginhawa kapag sila ay kumain ng candy, humiga at matulog o kaya naman ay tumingin sa malayo. Ang iba naman ay binubuksan ang bintana para makasagap ng hangin mula sa labas.
Ano Ang Doctor Na Pwedeng Konsultahin
Gaya ng nasabi, ito ay madali ring nawawala kapag natapos na ang byahe. Kung may iba kang sintomas gaya ng panlalabo ng mata, sakit ng ulo at iba pa, pwede kang kumonsulta sa isang doctor.
Paano Maiiwasan Ang Pagsusuka sa Biyahe
Ang pagtigil ng iyong hilo ay makakatulong para hindi ka na masuka. Humanap ng paraan na magpaparelax sayo na siyang makakapigil sa iyong pagkahilo.
Source: Healthline