Napingas Na Ngipin Sa Harapan – Ano Ang Dapat Gawin

Naputol ba ang ngipin mo sa harap? Kung ito ay biglang napingas habang ikaw ay kumakain, importante na ito ay makita ng isang dentista. Hindi man ito masakit, ito ay makakaapekto sa iyong pagkain at iyong itsura. Kung ang ngipin mo ay natural at hindi pa nagkakaroon ng crack dati, mabuting dalhin ito sa dentista.

Bakit Napingas Ang Ngipin Ko?

May ilang sanhi ng pagkabali ng ngipin sa harap. Madalas ito ay dahil sa sobrang pwersa ng pagkagat ng matigas na bagay o pagkain. Halimbawa, ang pagkagat ng aksidente sa kutsara o tinidor ay nakakasira ng ngipin. Kung ang enamel at calcium content ng iyong ngipin at mahina, ito ay posibleng mapingas.

Isa pang dahilan ng posibleng pagkapingas at crack ng ngipin ay ang pagkakaroon ng ilang karamdaman. Kung meron kang problema sa iyong bunganga o hindi ka nakakakain ng maayos, maaaring maapektuhan ang tibay ng iyong ngipin.

Ano Ang Dapat Gawin?

May solusyon ba sa napingas na ngipin? Pwede bang idikit and ngipin na nabali na? Ang mga dentista ay may paraan upang makabit uli ang nasirang ngipin. Ngunit madalas ito ay magiging problema na dahil mahina na ang kakapitan nito mula sa original. Pwede ka rin magpakabit ng bagong ngipin depende sa sasabihin ng dentista. May ilang paraan din na ang pasta ay nakakatulong upang ibalik ang ngipin.

Paano Patibayin Ang Ngipin

Ang pagkain ng masustansya ay nakakatulong sa kalusugan. Para sa iyong ngipin, marapat na magsepilyo ng tama. Gumamit ng toothpaste na may fluoride at calcium. Ugaliin rin mag-floss at iwasan ang paninigarilyo.



Last Updated on March 29, 2018 by admin

Home / Kalusugan sa Ngipin / Napingas Na Ngipin Sa Harapan – Ano Ang Dapat Gawin