Giniginaw ka ba? Ang pagkakaroon ng chills na tinatawag ay maraming dahilan. Ngunit may ilang sakit na pwedeng magdulot nito. Importante na malaman ang sanhi nito upang maagang magamot.
Dahilan
Ang pagkakaroon ng malamig na pakiramdam sa katawan ay maaaring senyales ng isang infection. May ilang impeksyon na dulot ng virus o bacteria na nagbibigay ng panlalamig na pakiramdam.
Isa sa karanasan ko ay ang mababang blood pressure. Nangyari ito nung college years kung saan masyado akong napuyat. Biglang nanlamig ang buong katawan ko at kahit anong balot ko ng kumot ay hindi nawawala ang panginginig.
Hindi kayang makontrol ang nginig na tumagal ng 30 minutes.
Mga Sakit na Nagiging Sanhi ng Panlalamig o Chills
- Bacterial or virus infection
- Malaria
- Flu
- Malaria
- UTI
- Step Throat
- Anxiety attacks o Panic attack
- Ilang lamang ang mga nabanggit na sakit na pwedeng magdulot ng malamig na pakiramdam sa katawan.
Ano Ang Sintomas Mo?
Ano ang mga naramdaman mo? Ilang dito ay personal kong naranasan kasama ang panlalamig kahit mainit ang panahon at nginig na hindi ma-kontrol.
- Nanlalamig ang katawan kahit mainit ang panahon
- Nanginginig ang buong katawan
- Malamig ang pakiramdam
- Nangangatog ang katawan sa lamig
- Kusang nanginginig ang kamay at paa
- Giniginaw ang pakiramdam kahit hindi malamig
Paano Gamutin Ang Malamig Na Pakiramdam ng Katawan
Importante na malaman muna kung ano ang sanhi nito. Madalas, ang mga doctor ay magbibigay ng antibiotics para labanan ang infections. Kung may iba pang sintomas, pumunta agad sa ospital.
Sa akin, binigyan ako ng gamot para maging ok ulit ang blood pressure ko. May mga pagkain na pwedeng magtanggal ng panlalamig pero kailangan munang ikonsulta sa doktor.
Doctor Na Dapat Konsultahin
Ang isang family doctor or general medicine doctor ay makakatulong. Ito ang simula ng diagnostics tests para malaman ang dahilan ng sakit.
Ikaw ano ang experience mo?
References from Healthline