Naninigas na Kalamnan – Muscle sa Kamay at Hita, Binti at Paa

Nakakaranas ka ba ng paninigas ng muscles? Kung ito ay nakakabahala sa iyo at unti-unting naaapektuhan ang iyong gawain, dapat mong malaman kung ano ang dahilan nito ay kung paano lulunasan.

Mga Sintomas Ng Paninigas ng Muscles

Ang kalamnan o muscles ay pwedeng maapektuhan ng paninigas. Ilan sa mga ito ay posibleng maranasan ng isang tao:

Paninigas ng muscles sa braso, binti at hita

Naninigas ang mga kasu-kasuan at kalamnan

Masakit na paninigas ng muscles

Mga kalamnan na tumitigas at sumasakit

Kumikirot na kalamnan at may pulikat

Ano Ang Mga Dahilan ng Paninigas ng Kalamnan

Ang kalamnan at pwedeng tumigas at sumakit dahil sa sobrang pagod. Ito ay pwedeng makaranas ng pagpulikat at nagiging sanhi ng parang naninigas. Kung ikaw ay may nararanasan na pagsakit, ito ay posibleng dahil sa pulikat o muscle cramps.

Pwede ring makaranas ng ganitong pananakit ang isang tao na may kulang na vitamins. Kung ikaw ay hindi kumakain ng masustansyang pagkain, pwede ring maapektuhan ang iyong kalamnan.

Ang injury sa iyong muscles at buto ay pwede ring maging sanhi ng paninigas. Kung ikaw ay bumuhat ng mabigat na bagay o kaya naman at natamaan ng matigas na bagay, ito ay posibleng maging sanhi ng injury sa iyong kalamnan at nerves na pwedeng makaapekto sa iyong paggalaw.

Paano Gamutin ang Naninigas na Muscles

May ilang paraan na pwedeng gawin upang ito ay maiwasan. Ang dahan-dahang masahe ay makakatulong para rito. Kung ikaw ay may kakulangan sa vitamins, dapat mo ring ugaliin ang pagkain ng masustansya. Kung ikaw ay may nararanasan na pananakit, ikonsulta agad ito sa isang doktor.



Last Updated on February 6, 2019 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Naninigas na Kalamnan – Muscle sa Kamay at Hita, Binti at Paa