Nararamdaman mo bang tumitigas ang tiyan mo? Kung ang iyong pakiramdam ay parang naiipit sa loob, maaaring ito ay may kinalaman sa muscles. Ngunit may ilang tao na nakakaranas ng paninigas ng tiyan sa loob na pwedeng dahil sa karamdaman. Alamin kung ano ang posibleng sanhi nito.
Dahilan ng Naninigas na Tyan
Ang tiyan ay pwedeng magkaroon ng dalawang bahagi. Ang loob nito ay kung saan makikita ang sikmura, bituka at iba pang internal organs. Sa labas, ang muscles at balat naman ang makikita. Depende sa kung saan ito bahagi naninigas, may ilang karamdaman na pwedeng sanhi nito.
See: Online Check Up
Isa sa posibleng dahilan at ang upset stomach. Pwede ring ito ay dahil sa hyperacidity na kung saan mataas ang asido da loob ng sikmura.
Food poisoning ay pwede ring maging dahilan ng naninigas na sikmura sa loob. Importante na malaman ang mga sintomas ng food posioning upang maagapan at kung ito nga ang dahilan.
Ang paninigas ng tiyan sa labas na bahagi ay pwedeng dahil sa stomach cramps. Ito ay abdominal cramps din na tinatawag at muscles ng tiyan ang pangunahing dahilan.
Gamot Sa Naninigas Na Tiyan
Ang gamot para sa tumitigas na tiyan ay depende sa sanhi nito. Kung ito ay dahil sa hyperacidity, may mga gamot na pwedeng mabili over the counter. Sa mga sintomas naman at sanhi na dulot ng sakit, importante na ito ya malaman ng isang doctor.
See: Doctor Para Sa Tiyan
Ang gamot ay base sa sintomas, tests at diagnosis ng isang doctor. Kung ikaw ay may sintomas na nakakabahala, itanong agad sa doktor kung ano ang sanhi nito.
Sintomas ng Tumitigas na Tiyan
Ang ilan sa mga sumusunod ay pwedeng maranasan ng isang tao.
- Paninigas ng tiyan sa loob
- Sikmura na tumitigas
- Mahigpit na pakiramdam ng tiyan
- Parang sinuntok ang loob ng tiyan
- Masakit na muscles ng sikmura at bituka
- Parang may pulikat sa tiyan
- Lumalamig sa loob ng tiyan
Doctor Na Dapat Tanungin
Ang anumang problema sa tiyan ay pwedeng ikonsulta sa isang gastroenterologist. Importante na malaman ito ng isang doctor lalo na kung madalas mangyari.
May ilang tests na pwede niyang ipagawa depende sa kanyang initial findings. Ilang sa mga ito ay endocsopy, colonoscopy o ultrasound. May ilang laboratory test din na maaaring kailangan depende sa iyong mga sintomas.
References: Healthline