Ang kamay mo ba ay nanginginig? Kung ito ay madalas mangyari, maaaring ikaw ay may problema sa nerves. Sa isang banda, ang mga kamay ay pwedeng manginig kapag ito ay pagod at stressed. Ngunit may ilang sakit na pwede ring magdulot ng ganitong sintomas.
Mga Pwedeng Maramdaman na Sintomas
Maliban sa panginginig, pwede ka rin makaranas ng mga kahalintulad na sintomas:
- Hindi maka-steady ang kamay
- May kumikibot sa kamay at daliri
- Nanginginig ang daliri at kamay kapag may hinahawakan
- Kusang gumagalaw ang daliri
- May masakit na bahagi ng kamay
Posibleng Dahilan Nito
Ang panginginig ng kamay ay pwedeng dahil sa ilang kondisyon sa kalusugan. Maliban sa pagod, ito ay maaaring mangyari dahil sa sakit sa nerves, kalamnan o kahit buto. Narito ang ilang posibleng sanhi ng panginginig:
- Anxiety attack
- Stress
- Damage sa nerve
- Mga sakit sa nerves at utak (Parkinson’s disease, Stroke, heat stroke, diabetes)
- Arthritis sa buto
- Hormone imbalance
Ito Ba Ay Pasma?
Sa mga nakakatanda, ang pasma ay isang uri ng kalagayan kung saan nasasalang sa mainit at malamig ang katawan. Ayon sa kanila, ito ay nagiging sanhi ng nginig at pagpapawis. Ngunit sa mga doktor at siyentipiko, ang pasma ay walang basehan at hindi totoo.
Senyales Ba Ito Ng Epilepsy?
May mga taong natatakot sa ganitong sintomas dahil katulad ito ng atake ng epilepsy. Ngunit ang hindi madalas na panginginig ay maaaring iba ang sanhi at hindi epilepsy. Ang doktor lamang ang pwedeng makapagsabi kung ikaw ay merong sakit na nabanggit.
Ano Ang Gamot?
Sa nanginginig na kamay sanhi ng nerve damage o kaugatan, ang doktor ay may ibibigay na gamot. Ito ay pwedeng supplement gaya ng Vitamin B1 B6 at B12. Ngunit ito ay mga supplement lamang at hindi aktuwal na gamot. Sinasabing nakakatulong ang vitamins na ito para ma-repair ang nasirang mga ugat.
May mga therapy na pwede ring irekomenda ng isang doktor. Alamin kung anong physical therapy exercise ang bagay sa iyong kondisyon kapag nagpacheck up ka.
Anong Klase Ng Doktor Ang Dapat Puntahan?
Ang isang neurologist ay makakatulong upang malaman kung ano ang dahilan ng panginginig ng iyong kamay. May ilang test na pwedeng ireseta ng doktor base sa iyong sintomas. Sundin mabuti ang mg payo upang malunasan ang iyong problema.