Nangangawit Na Paa At Binti – Ano Ang Dahilan?

May pangangalay ka bang nararamdaman sa iyong paa? Ito ay pwedeng lumakad hanggang sa iyong binti at hita kapag napabayaan. Kung ang sintomas na ito ay hindi nawawala, dapat mong alamin ang sanhi ito. Ang dahilan ng nangangawit na paa at binti ay pwedeng may kinalaman sa mga kaugatan.

Ano Ang Pakiramdam ng Ngawit na Paa?

Ito ay parang hindi mapakali at hindi mo maidantay ng naka-steady lang. Ang pakiramdam na ito ay nakakairita para sa marami at pwedeng magdulot ng stress. Ilan sa mga sintomas na may relasyon dito ay:

  • Nangangawit na paa kapag nakaupo o nakatayo
  • Ngalay ang pakiramdam ng paa
  • Hindi maitukod ang paa at may masakit
  • Parang “pasmado” ang paa
  • May parang dumadaloy na masakit sa paa
  • May tusok tusok sa ilalim ng paa

Ano Ang Posibleng Dahilan ng Pangangawit?

Ang ngati ay isang sensation na pwedeng may kinalaman sa muscles at nerves. Kung ang iyong paa ay nananatili sa iisang posisyon lamang, pwede itong makaranas ng ngawit at pagod. Ngunit may ilang kondisyon na kung saan pwede mo maranasan ang ngawit ng biglaan. Ilan sa mga ito ay:

  • Peripheral neuropathy
  • Damage sa nerves sa paa
  • Damage sa spinal cord
  • Herniated disc
  • Muscle aches and pains
  • Nervous system diseases

Saan Dapat Magpa Check Up?

Dapat kang pumunta sa isang doktor upang masuri ang iyong kondisyon. Kung ito ay nangyayari na nang ilang araw, marapatin mong patingnan na ito sa isang neurologist. Pwede ka rin pumunta sa isang orthopedic surgeon na doktor dahil gumagamot sila ng sakit sa muscles at buto.

May Pilay Ba Ako?

Ang pagkakaroon ng pilay o injury sa buto at muscles ay pwede ring magdulot ng pangangawit. Dapat mong tingnan kung ang iyong paglalakad ay normal pa rin. Kung ikaw ay may nararamdaman na pananakit, pwedeng ito ay dahil sa isang injury. Ang pagtakbo, pagkadapa, pagbubuhat ng mabigat at ipa pang pisikal na gawain ay pwedeng magdulot nito.



Last Updated on September 10, 2018 by admin

Home / Mga Sakit Sa Paa / Nangangawit Na Paa At Binti – Ano Ang Dahilan?