Nangangati Kapag Umiinom ng Beer o Alak

Nakakaramdam ka ba ng pangangati ng balat kapag umiinom ng alak? Ito ay pwedeng dahil sa beer, wine at iba pang alcoholic drinks. Importante na ikaw ay masuri upang hindi mo na problemahin ang ganitong sintomas.

Mga Sintomas Dahil sa Alcohol

Ang alcohol sa mga inumin at pagkain ay pwedeng magdulot ng ilang sintomas sa balat. Ang mga ito ay alinman sa mga sumusunod:

Pangangati ng balat pagkatpos uminom ng alak

Namumula ang balat

Masakit ang tiyan

Makati ang balat at bibig pagkatapos uminom ng beer

Makati ang buong katawan dahil sa wine

Ano Ang Sanhi Nito?

Ang pagkakaroon ng allergy sa alcoholic drinks ang posibleng sanhi ng ganitong sintomas. Important na malaman mo kung meron kang allergy dahil ito ay pwedeng magdulot sa iyo ng panganib kapag hindi naagapan.

Ano Ang Nagpapakati O Allergy sa Inumin?

Ilan sa mga ingredients ng alcoholic drinks gaya ng beer at wine ay grapes, hops, malt, barley, rye at wheat. Kung ikaw ay allergic sa alinman sa mga ito, pwede kang magkaroon ng makating balat at iba pang sintomas.

Paano Ito Nagagamot?

Ang allergy ay reaksyon ng iyong katawan sa isang bagay. Maaaring hindi ito magamot dahil ito na ay nasa iyong genetic makeup. Ngunit may ilang pagkakataon na kusa itong nawawala. Itanong sa isang doktor kung ano ang posibleng gamot sa allergy.

Ano Ang Dapat Gawin?

Kapag ikaw ay nakakaranas ng pangangati, ihinto ang pag inom ng alcohol. Kumonsulta sa isang doctor upang malaman kung ano ang dapat gawin.

May ilang gamot gaya ng antihistamine na pwedeng maging treatment para sa allergy. Ngunit hindi ito dapat basta basta inumin kung walang payo ng doctor.

Ano Ang Doctor Para sa Allergy?

Ang isang allergologist ay pwedeng makatulong sayo. Ngunit kahit na ang general medicine or family medicine doctor ay pwede ring magbigay ng payo.

May First Aid Ba Para sa Pangangati?

Ihinto ang iyong pag inom ng alcoholic dirnks kung sa tingin mo ay ito ang dahilan ng iyong allergy. Bantayan ang iyong paghinga at sabihin agad kung ikaw ay may nararamdamang pananakit sa ibang parte ng katawan. Pumunta sa emergency room kung ang iyong sintomas ay malala na.