May nararamdaman ka bang kati sa singit mo? May mga taong nakakaranas ng ganitong sintomas at dapat malaman kung ano ang sanhi. Importante na ang singit ay mapanatiling malinis at ang pangangati nito nang madalas ay pwedeng dahil sa isang sakit.
Ano Ang Sintomas ng Makati na Singit?
Ang singit ay pwedeng makaranas ng alinman sa mga sumusunod:
Makati ang singit sa kanan at kaliwa
Namumula na may pangangati sa singit
Singit na dry skin at makati
Maitim at makati na singit
Bakit Ito Nangyayari?
Ano ang dahilan ng singit na makati? Ang singit ay pwedeng kumati dahil sa pagkakaroon ng fungal infection. Kung ikaw ay may hadhad, pwede itong mangati. Sa isang banda, ang pakakaroon ng sugat sa singit at pagkaskas nito sa damit at underwear ay pwedeng magdulot ng kati kati. Ang singit na may dermatitis, fungal infection of kaya naman ay eczema ay pwede ring mangati.
Ano Ang Lunas sa Singit na Makati
Ang singit na nangangati ay pwedeng magamot ng anti-fungal cream ngunit importante na makita ito ng doktor. Dapat na doktor lamang ang pwedeng magbigay ng reseta ng kung anong gamot ang gagamitin para sa singit. May mga gamot din na pwedeng mainom para sa singit ngunit itanong muna ito sa doktor bago gamitin dahil maaaring magkaroon ito ng side effects sa iyo.
Paano Maiiwasan ang Singit na Makati
Ugaliin na magsuot ng komportableng underwear
Huwag hayaan na magkaroon ng sugat sa singit
Maligo araw araw para matanggal ang mga dumi sa balat
May STD Ba Kapag Makati ang Singit?
Madalas ang STD ay may mga sintomas ng pamumula, pananakit, hapdi o kaya sugat sa balat. Kung ang singit mo ay nangangati lamang, pwede itong dahil din sa contact sa balat ng iyong naka-partner. Kung ikaw ay may alinlangan, kumonsulta agad sa doktor.