Nararamdaman mo ba ang ngawit sa binti at mga braso? May ilang sakit na pwedeng maging dahilan nito. Alamin natin kung bakit ito nangyayari.
Dahilan ng Pangangalay
Mga Binti at Paa
Ang isa sa posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon ng PAD or peripheral artery disease. Sa ganitong condition, maaaring may bara o blood clot sa isa sa mga ugat ng binti. Madalas ito sa mga taong may problema sa puso o blood pressure.
Braso at kamay
Sa mga braso naman, pwede itong mangyari kung may herniated disc sa bandang cervical spinal cord. Ito ay pwedeng makaapekto sa leeg hanggang sa mga kamay.
Ang restless leg syndrome ay pwede ring maging sanhi ng ganitong sintomas. Ito ay ang kagustuhan na igalaw palagi ang binti kahit nakapahinga. Maraming tao ang kusang nawawala ang sintomas kung ito ang problema.
Gamot sa Ngalay
Ang isa sa gamot sa nangangalay ay pagpapabuti ng blood pressure. Importante na ikonsulta ito sa iyong doctor upang mabigyan ka ng tamang gamot para sa dugo.
Doctor Para sa Ngawit
Ang isang neurologist ay pwedeng konsultahin tungkol dito. Pwede rin sabihin ang sintomas sa isang orthopedic surgeon kung may problema sa buto at kasu-kasuan.
Source and references from Mayoclinic